• July 17, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Speaker Romualdez pinapurihan si Filipino tennis star Alex Eala

PINAPURIHAN ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez si Filipino tennis star Alex Eala sa kanyang makasaysayang laro sa Lexus Eastbourne Open – Women’s Tennis Association (WTA) tournament .

Ayon kay Speaker Romualdez, si Eala ay nagsisilbing simbolo ng ‘national pride and perseverance’ matapos maging unang Pilipino na maka-abot sa WTA Tour final.

“Alex Eala has done more than just play the game – she has made history and stirred the soul of a nation. As the first Filipino to reach a WTA Tour final, Alex has brought the Philippines to the global stage of tennis,” anang Speaker .

Ang WTA ang siyang global governing body para sa women’s professional tennis at nag-oorganisa at nangangasiwa sa WTA Tour, na siyang pangunahing professional tennis tour para sa mga kababaihan. Ang Lexus Eastbourne Open ay WTA 250 tournament.

“Beyond records and rankings, what she gave us was something even more powerful: hope, pride, and the promise of a brighter future for Philippine sports,” ani Romualdez.

Sa kabila na hindi nagtagumpay ang 20-anyos na si Eala na makuha ang titulo, ay naipakita naman nito ang kanyang determinasyon sa larangan.

“And in defeat, she showed true greatness when she said, ‘I’ll work hard to do more.’ That quiet resolve speaks for millions of Filipinos who, like Alex, strive harder every day to rise, to fight, and to uplift our nation,” dagdag ng mambabatas. (Vina de Guzman)