• July 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Speaker Romualdez tiwalang maibibida ng PBBM ang Pilipinas bilang investment hub sa World Economic Forum

KUMPIYANSA si House Speaker Martin Romualdez na magiging produktibo ang pagdalo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa World Economic Forum (WEF) sa Davos Switzerland.

 

 

Ayon kay Speaker Romualdez, pagkakataon ito na maibida ng pangulo ang mga napagtagumpayan ng Marcos administration, at maibida ang Pilipinas bilang investment destinations at maipaliwanag din ang Maharlika investment fund.

 

 

Kumpiyansa si Romualdez, na hindi mahihirapan ang chief executive na ibahagi ang mga economic gain ng bansa at iba pang plano nito, dahil sa mga nakaraang global fora na dinaluhan niya ay malinaw nitong nailahad ang posisyon ng Pilipinas sa iba’t ibang isyu.

 

 

Si speaker Romualdez ang naging susi sa pagtatagpo ni Pangulong Marcos Jr. at WEF founder Dr. Klauss Schwab sa sidelines ng Association of Southeast Asean Nations (ASEAN) Summits, na ginanap sa Cambodia.

 

 

Dito kasi personal na inimbitahan ni Schwab ang Pangulo na dumalo sa World Economic Forum.

 

 

Maliban sa mahigit 50 heads of state, kabilang sa mga dadalo sa naturang pulong ang mga kilalang business leader sa buong mundo.

 

 

Kung maalala pinagtibay ng House of Representatives noong December 16, 2022 House Bill (HB) No. 6608, na bumubuo ng Maharlika Investment Fund (MIF) bill kung saan overwhelming ang boto mula sa mga mambabatas.

 

 

Si Romualdez, ang principal author ng nasabing measure at tiniyak na may sapat na safeguards ito.

 

 

Samantala, Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa isang luncheon meeting sa Switzerland na walang pinapanigan at kinikilingan ang mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) sa kasalukuyang mga geopolitikal tensions.

 

 

Sa kanyang talumpati, ipinaabot din ni Pangulong BongBong Marcos Jr ang pasasalamat sa pribadong sektor na isang mahalagang bahagi sa pagpapalakas ng ekonomiya at pagbangon ng bansa mula sa pandemya.

 

 

Binigyang-diin ng Pangulo na mahalaga ang public- private partnership sa paglago ng isang bansa.

 

 

Pito sa pinakamalalaking business tycoon sa bansa ang kasama sa delegasyon ng Pilipinas sa Davos, Switzerland upang bigyang suporta si Pangulong Marcos Jr sa kaniyang unang pagdalo sa 2023 Annual Meeting of the World Economic Forum (WEF). (Daris Jose)

Other News
  • SECURITY GUARD, 2 PA TIKLO SA P6.9M DROGA SA CALOOCAN

    MAHIGIT P6 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa tatlong sa drug suspects, kabilang ang 35-anyos na security guard matapos maaresto ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Caloocan City. Kinilala ni Philippine National Police Drug Enforcemt Group (PNP-DEG) Chief P/Lt. Col. Richard Ian Ang ang naarestong suspek na si alyas “Sahibad” ng […]

  • Magwo-world premiere na ngayong September: First teaser ng ‘Start-Up PH’ nina ALDEN at BEA, umani agad ng maraming views

    UMANI agad ng maraming views ang first teaser ng “Start-Up PH” after ipalabas ito sa Chika Minute ng “24 Oras” last Wednesday, August 17.     Ang bagong serye ay first-ever adaptation of a breakthrough K-drama sa Philippine television, na magtatampok sa Asia’s Multimedia Star, Alden Richards, and multi-awarded actress and box office icon na […]

  • Seryoso ang lahat at walang nagba-buckle sa dialogue: DINA, nag-enjoy sa masayang kulitan ng cast dahil nakawawala ng tension

    INAABANGAN Mondays to Saturdays ang top-rating GMA Afternoon Prime series na “Abot-Kamay Na Pangarap” na tampok sina Carmina Villarroel at Jillian Ward.     Interesting na iba’t ibang guest artists ang pumapasok  sa mga eksena, kaya nang mawala muna sa eksena si Richard Yap as Dr. RJ Tanyag, nang mag-taping siya ng “Unbreak My Heart” […]