• April 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Special Education Learners sa Navotas, binigyan ng tablets

NAKATANGGAP mula sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng mga tablets ang aabot sa 312 tablets para sa Learners with Special Education Needs (LSENs) na mga residinte ng lungsod.

 

 

 

Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, ito ay mula sa pondo ng Gender and Development (GAD) ng lungsod.

 

 

 

Maliban sa mga tablet na para sa Special Education learners, nagbigay din si Tiangco ng 500 tablets para sa mga estudyanteng Grade 1 hanggang 12 sa mga pampublikong paaralan sa ilalim ng pondo ng Navotas City Council for the Protection of Children.

 

 

 

Bahagi aniya ito ng mga hakbang upang maging mas inklusibo ang sistema ng edukasyon sa lungsod at bilang tulong sa kahandaan ng mga mag-aaral na Navoteño sa susunod na pasukan.

 

 

 

Hinimok ni Mayor John Rey ang mga estudyante na patuloy na magsikap sa kanilang pag-aaral upang maabot ang kanilang mga pangarap. Siniguro rin niya ang patuloy na pagsulong sa mga proyektong magpapataas pa sa kalidad ng edukasyon sa Navotas.

 

 

 

“Naniniwala po tayo sa kahalagahan ng edukasyon sa pagtupad ng mga pangarap ng ating mga kabataan. Kaya sisikapin nating patuloy na makapagsusulong ng mga proyekto at programang mag-aangat pang lalo sa kalidad ng edukasyon para sa mga Navoteño,” pahayag ni Mayor Tiangco sa kanyang speech sa ginanap na simpleng turnover at distribution ceremony. (Richard Mesa)

Other News
  • DOH: ‘2021 pa posibleng isailalim sa MGCQ ang buong Pilipinas’

    AMINADO ang Department of Health (DOH) na hindi malabong ibaba na sa antas ng modified general community quarantine (MGCQ) ang buong Pilipinas sa unang quarter ng 2021 kung matagumpay na maaabot ng local government units ang mga itinakdang batayan ng mga eksperto.   Ayon kay Health spokesperson Maria Rosario Vergeire, may itinakda silang “gatekeeping indicators” […]

  • Nag-sorry sa kanya at pasok pala sa 26th slot: ALEX, nag-react na hindi kasama sa ‘Top 25 Most Beautiful Vloggers’

    MARAMING naaliw sa bonggang hirit ni Alex Gonzaga sa nilabas sa page ng Pinoy History sa Facebook para sa TOP 25 MOST BEAUTIFUL VLOGGERS (MOST ADMIRED VLOGGERS 2024). Hindi kasi siya nakapasok na kung saan nasa Top 10 sina Jenela in Japan (1) Sachzna Laparan (2) Ivana Alawi (3), Shaha Meta (4), Bangus Girl (5), Queenay Mercado (6), Carla Albeus Topular of JomCAr (7), Maureen Dejillo […]

  • Master list ng A4 group sa bakuna pinasusumite

    Dahil inaasahang darating na sa mga susunod na buwan ang mga bakuna kontra Covid-19 kaya pinagsusumite na ni Cabinet Secretary Karlo Nograles sa Local Go-vernment units (LGUs) ang master list para sa Priority Group A4.     Kabilang sa A4 group ang mga sektor sa industriya ng transportasyon, market, manufacturing, go­vern­ment services, hotels, education, media at […]