• March 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Spingo’ ng TV5, higit 3 milyon na ang naipamigay: Energizing tandem nina JOHN at SAM, kinagigiliwan ng viewers

MALAKI nga rang naging impact ng bagong interactive game ng TV5 na ‘Spingo’ sa TV viewing habit ng mga Pinoy.

Patuloy kasi ang pagbibigay ng malaking papremyo sa kanilang studio contestants at home players araw-araw.

Simula nang nag-premiere ang ‘Spingo’ sa TV5 noong nakaraang buwan, ay nakapamahagi na ito ng mahigit 3 milyong piso sa kanilang mga naging studio players at home viewers.

Dumaragdag na rin ang big winners mula sa studio katulad nina Alex Calleja na nakapag-uwi ng P910,000, si Tuesday Vargas na nakanalo ng P411,000, si cosplayer Resty Siarez na nakakuha ng P852,000, at E-gamer Trisha na nanalo ng P510,000.

Dahil may interactive feature ang game na ‘Spingo’, maaari ding manalo ang mga manonood sa bahay. Kailangan lang gamitin ang Spingo app habang pinapanood ang show.

Mayroon nang limang (5) home players na nakatama sa blackout jackpot at nanalo ng grand prize worth P100,000 kada araw. Ilan sa mga nanalo na home viewers ay sina Richard Mabua Rafols ng Manila at Ma. Reyna Ocampo ng Marikina na pumunta sa TV5 studio para ma-meet and greet ang mga host.

Ang kakaiba pa dito sa ‘Spingo’ ay kahit hindi man pinalad ang home viewer makuha ang blackout jackpot, meron pa rin siyang pagkakataong makatanggap ng cash prize dahil araw-araw namimili ang Spingo ng 50 winners ng P1,000.

Isa pang nagpasikat sa ‘Spingo’ ay ang refreshing at energizing na tandem ng mga game show host na sina John Arcilla at Spingorgeous Girl Sam Coloso.

Ayon sa NUTAM ng Nielsen, ang October 4 episode ng Spingo ay nakapagtala ng all-time high na 2.03%. Kaya naman all-out sa pamimigay ng mas malaking papremyo ang TV5 para sa kanilang Kapatid audiences sa buong bansa.

Mahigit 100,000 na ang nakapag-download ng Spingo App sa Google Play Store at paniguradong mas marami pang mahihikayat maglaro nito pag naging available na ito sa Apple App Store para sa mga iOS users.

Sumali na sa pinakabagong craze sa telebisyon at tumutok sa Spingo tuwing 5:30 PM, Lunes hanggang Biyernes, sa TV5.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • From the director of “Ju-On,” Takashi Shimizu’s latest horror film “SANA: Let Me Hear” hits Philippine cinemas

    A decades-old mystery resurfaces in “SANA: Let Me Hear”, the latest horror masterpiece from renowned director Takashi Shimizu, the mind behind “The Grudge (Ju-On).” Prepare yourself for a chilling journey into the unknown when the film hits Philippine cinemas on November 13.     Set in 1992, SANA: Let Me Hear opens with a fatal […]

  • Ads February 11, 2021

  • Kaso ng mpox sa bansa nasa 15 na – DOH

    Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na pumalo na sa 15 ang kaso ng mpox sa bansa. Sa nasabing bilang ay 11 dito ay mula sa National Capital Region, tatlo sa Calabarzon at isa sa Cagayan Valley. Karamihan sa mga pasyente ay lalaki at iisa lamang ang babae kung saan hindi na binanggit pa ng […]