• July 17, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Spokesperson  ng Coast Guard, nagsampa ng reklamo kontra blogger

NAGHAIN  ng cyberlibel complaint sa Manila Prosecutors Office si Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for West Philippine Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela laban sa blogger  na si Sass Sasot.

Base sa reklamo, sinabi ni Tarriela na nag-post si Sasot ng umano’ y “scurrilous libels” tungkol sa kanya sa Facebook at X accounts nito na inaakusahan ang opisyal ng PCG na korupsyon at pangingikil at pandaraya.

Dagdag pa ni Tarriela na inakusahan siya ni Sasot na tumanggap ng

 $4 milyon na “talent fee” mula sa  United States at  bags ng pera mula kay House Speaker Martin Romualdez.

Idinagdag pa na tina-tag din siya ni Sasot bilang “Philippine Military Academy cheater.”

Sinabi ni Tarriela na lahat ng alegasyong ito ay pawang walang katotohanan at walang totoong basehan.

Humihingi si Tarriela nang mahigit P1 milyong danyos.  (Gene Adsuara)