SPORTS NEWS
-
Carlos Alcaraz pasok na sa semis ng Wimbledon
PASOK na sa semifinals ng Wimbledon si two-time defending champion Carlos Alcaraz. Ito ay matapos na talunin si unseeded Cam Norrie ng Britanya. Hindi na pinaporma ng Spanish player ang Briton at nakuha nito ang score na 6-2, 6-3, 6-3 sa laro na tumagal ng isang oras at 39 minuto. Dahil dito ay napalawig pa ni […]
-
Alex Eala sasabak sa torneo sa Canada bago ang US Open
SISIMULAN ni Pinay tennis star Alex Eala ang kaniyang paghahanda sa isa pang Grand Slam tournament ang US Open sa pamamagitan ng paglahok sa National Bank Open sa Canada. Magaganap ang toreno sa Canada mula Hulyo 26 hanggang Agosto 7. Ang National Bank Open ay isang WTA-1000 level tournament na isang paghahanda para kay Eala sa […]
-
Brook Lopez, pumirma na ng kontrata sa Clippers
PUMIRMA na ng kontrata si Brook Lopez sa Los Angeles Clippers. Hawak ni Lopez ang $18-million contract sa Clippers na magtatagal ng dalawang taon. Kinuha ng Clippers ang dating Milwaukee Bucks bigman upang magsilbing pangunahing rim protector, kasama ang mga bigating player na sina Kawhai Leonard, James Harden, at Ben Simmons. Sa edad na 37, nagawa […]
-
Obiena, nilinaw na ‘di pa magreretiro; world-class pole vault tournament sa PH, inihahanda na
INIHAHANDA na para sa darating na Setyembre 20 hanggang 21, 2025, isang world-class pole vault tournament sa Ayala Triangle, Makati City. Tampok dito ang pambato ng bansa na si Ernest John “EJ” Obiena, kasama ang ilan sa pinakamahusay na pole vaulters mula sa iba’t-ibang panig ng mundo. Emosyonal na inihayag ni Obiena ang katuparan ng kanyang […]
-
Hidilyn Diaz, ipinahayag ang kagustuhang magturo sa UP
IPINAHAYAG ng kauna-unahang Filipino Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz ang kanyang kagustuhang magturo sa University of the Philippines (UP).Buy radio equipment “Masaya akong ibalita sa inyo na excited na ako sa posibilidad na magbahagi pa ako ng aking karanasan at mga natutunan at magturo dito sa inyong unibersidad. Sana matuloy ito,” ani Diaz […]
-
Football star Diogo Jota at kapatid nito patay sa aksidente
NASAWI sa isang aksidente si Liverpool at Portugal star Diogo Jota sa edad na 28. Nangyari ang insidente sa sa bayan ng Cernadilla, Zamor sa northwestern Spain. Kasama rin nitong nasawi ang kapatid na nakasakay sa sasakyan na si Andre Silva na isang soccer player. Base sa imbestigasyon ay sumabog ang gulong ng sasakyan na […]
-
Pilipinas napiling host ng FIBA Women’s Asia Cup 2027
NAPILI ang Pilipinas para maging host ng FIBA Women’s Asia Cup sa 2027. Ayon kay FIBA Executive Director-Asia Hagop Khajirian na sabik sila na makabalik sa Pilipinas para sa FIBA Asia event. Ito ang unang pagkakataon na anc continental-level basketball event ay iho-host ng Pilipinas mula noong 2013. Dagdag pa ni Khaijirian na naniniwala sila na […]
-
Alex Eala nabigo sa doubles sa Wimbledon
TULUYAN nang natapos ang kampanya ni Pinay tennis star Alex Eala sa Wimbledon. Ito ay matapos na mabigo siya sa doubles kasama si Eva Lys laban kina Ingrid Martens at Quinn Gleason sa score na 4-6, 2-6. Ang kaniyang pagkatalo ay ilang araw matapos na mabigo ito sa unang round ng nasabing torneo laban kay defending […]
-
Deandre Ayton, pumirma na ng 2-year contract sa Los Angeles Lakers
PUMIRMA na ng dalawang-taong kontrata ang bigman na si Deandre Ayton kasama ang Los Angeles Lakers. Kalakip ng naturang kontrata ay ang ‘player option’ sa ikalawang taon. Ibig sabihin, mabibigyan si Ayton ng pagkakataong pumili kung mananatili pa siya sa Lakers sa huling taon o lilipat na lamang sa ibang koponan. Ang bagong kontrata ng bigman […]
-
Filipinas tinambakan ang Cambodia 6-0 sa 2026 AFC Women’s Asian Cup qualifiers
DOMINADO ng Philippine Women’s National Football Team ang Cambodia 6-0 sa 2026 AFC Women’s Asian Cup qualifiers. Buy radio equipment Dahil dito ay nasa unang puwesto ang Filipinas sa Group G matapos na talunin nila noong nakaraang araw ang Saudi Arabia 3-0. Nakapagtala ng unang goal si Alexa Pino sa loob ng 18 minuto ng […]
-
Alas Pilipinas, pinataob ang China sa 2025 VTV International Women’s Volleyball Cup
NAGPAMALAS ng matinding determinasyon ang Alas Pilipinas laban sa Sichuan ng China sa kanilang paghaharap nitong Lunes. Tinalo nila ang kalaban sa apat na set, 25-12, 25-22, 19-25, at 25-15. Matapos ang pagkabigo sa unang laban kontra Vietnam, bumawi ang pambansang koponan ng Pilipinas sa impresibong performance na ito. Dahil dito, nakuha ng Alas Pilipinas ang kanilang unang panalo sa 2025 […]
-
Mario Barrios inaming kinakabahan sa paghaharap nila ni Pacquiao
HINDI ikinaila ni World Boxing Council (WBC) Mario Barrios na ito ay kinakabahan sa nalalapit na laban niya kay Pinoy boxing champion Manny Pacquiao. Sinabi nito na alam nito ang kasikatan ni Pacquiao kaya pinag-iigihan niya ngayon ang ensayo. Giit pa ng 30-anyos na bbxer na hindi niya hahayaan na manaig ang tinatawag na legendary status […]
-
PBBM kay Alex Eala, “tuloy ang laban”
“TULOY ang laban, Alex! Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bilang bahagi ng kanyang ‘words of ecouragement” kay tennis star Alex Eala matapos na mabigong masungkit ang kampeonato sa WTA 250 Eastbourne Open makaraang talunin ng Australian tennis player na si Maya Joint sa iskor na 6-4, 1-6, 7-6 (10). Sa kabila ng pagkatalo, […]
-
Alex Eala, bigong nasungkit ang kampeonato sa Eastbourne Open
BIGONG nasungkit ng Pinay tennis ace na si Alex Eala ang kampeonato sa WTA 250 Eastbourne Open matapos talunin ng Australian tennis player na si Maya Joint sa iskor na 6-4, 1-6, 7-6 (10). Ang 20-anyos na Pilipina ay nagtala ng makasaysayang tagumpay sa naturang kompetisyon bilang kauna-unahang Pilipino na nakapasok sa Finals ng prestihiyosong tennis […]
-
PBBM, pinasalamatan si Alex Eala sa makasaysayang pag-abot sa WTA 250 Final
BINATI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Alex Eala matapos ang makasaysayang pag-abot nito sa final ng Lexus Eastbourne Open, kung saan naging kauna-unahang Filipino na nakarating sa Women’s Tennis Association (WTA) 250 singles final. Bagamat natalo sa isang matinding three-set na laban kontra sa Australian na si Maya Joint, ipinaabot ng Pangulo kay Eala na […]
-
PH, napiling maging host ng 3rd FIG Artistic Gymnastics Junior World Championships
OPISYAL nang gaganapin sa Pilipinas ang 3rd FIG Artistic Gymnastics Junior World Championships mula Nobyembre 20 hanggang 24 ngayong taon. Ito ay matapos italaga ng FIG Executive Committee ang bansa bilang host ng paligsahan. Ayon kay FIG President Morinari Watanabe, malaking bagay na ang parehong junior at senior world championships ngayong taon ay gaganapin sa mga […]
-
Alex Eala pasok na sa semis ng Eastbourne Open
PASOK na sa semifinal round ng Eastbourne Open sa United Kingdom si Pinay tennis star Alex Eala. Ito ay matapos na talunin si Dayana Yastremska ng Ukraine sa score na 6-1, 6-2. Mula sa simula ay dominado ng ranked 77 na si Eala ang laro laban sa 25-anyos na ranked 42 tennis star. Susunod na makakaharap […]
-
Dallas Mavericks, pinili si Cooper Flagg bilang 1st overall pick
PINILI ng Dallas Mavericks ang 6’9 small forward na si Cooper Flagg bilang No. 1 overall pick sa 2025 National Basketball Association (NBA) draft. Si Flagg ay naglalaro ng college basketball sa Duke University, hawak ang ilang mga award tulad ng National college player of the year (2025), Consensus first-team All-American (2025), USA Basketball Male Athlete […]
-
Gilas Pilipinas maagang magsasagawa ng ensayo para sa FIBA Asia Cup 2025
IKINATUWA ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone ang mahabang panahon ng ensayo nila para sa FIBA Asia Cup 2025 na gaganapin sa Jeddah, Saudi Arabia. Ayon kay Cone, na sa araw ng Lunes, Hunyo 30 ay sisimulan nila ang ensayo at pagkatapos nito ay magsaagawa sila ng training camp sa Pampanga. Ang orihinal kasi na […]
-
Back-to-back NBA title paghahandaan ng Thunder
KUMPIYANSA si NBA MVP Shai Gilgeous-Alexander na muling makakasampa ang Thunder sa NBA Finals para sa hangad na back-to-back championship sa susunod na season. Maski na magpalakas pa ang ibang koponan. “We definitely still have room to grow,” wika ni Gilgeous-Alexander, ang Finals MVP at scoring champion sa Oklahoma City. “That’s the fun part of this. […]
-
MMA fighter na si Jon Jones nagpasya na magretiro na
NAGPASYA ang tinaguriang greatest mixed martial arts fighter na si Jon Jones ang kaniyang pagreretiro. Mismong si UFC chief executive Dana White ang nag-anunsiyo ng pagreretiro ni Jones. Ayon sa 37-anyos na si Jones na naging mahirap para sa kaniya ang nasabing desisyon. Dagdag pa nito na masaya ito dahil sa may malaki itong kontribusyon sa […]
-
OKC naghahanda na para sa kanilang victory parade
NAGHAHANDA na ang Oklahoma City para sa gagawin nilang victory parade matapos na tanghaling kampeon ang Oklahoma City Thunder bilang 2025 NBA Champions. Sinabi ni Oklahoma City Mayor David Holt, na isasagawa ang parada sa Hunyo 25 at magsisimula ito sa Midtown hanggang Paycom Center at Scissortail Park. Inaasahan din ng alkalde ang kalahating milyong mga […]
-
Alex Eala wagi laban kay Baptiste sa Eastbourne Open
PINAHIYA ni Pinay tennis star Alex Eala world No. 56 Hailey Baptiste ng US sa WTA 250 Eastbourne Open sa Great Britain. Nakuha ni Eala sa score na 6(1)-7, 7-6(4), 6-1 na ito ang huling tune-up game ng Pinay tennis star bago ang Wimbledon. Una ng tinalo ni Eala si Zeynep Sonmez, 6-1, 6-3 ng Turkey […]
-
Oklahoma City Thunder, tinanghal bilang 2025 NBA Champion; Shai Gilgeous-Alexander, kinoronahan bilang Finals MVP
KINORONAHAN bilang 2025 NBA Champion ang Oklahoma City Thunder. Nagawa ng Thunder na patumbahin ang Pacers sa Game 7, 103-91, sa pangunguna ni Shai Gilgeous-Alexander na kumamada ng 29 points, 12 assists, at limang rebounds sa loob ng 40 mins na paglalaro. Sinamantala ng koponan ang injury ni Pacers guard Tyrese Haliburton upang duminahin ang laban, […]
-
Bucks wing player Pat Connaughton, kinuha ang $9.4-M player option deal para sa 2025-26 Season
Kinuha ni Pat Connaughton, wingman ng Milwaukee Bucks, ang kanyang player option para sa 2025-26 NBA season na nagkakahalaga ng $9.4 million, ayon sa mga ulat nitong Sabado (oras sa Amerika). Ang 32-anyos na beteranong manlalaro ay may hanggang Martes para gamitin ang opsyon sa huling taon ng kanyang tatlong taong extension na nagkakahalaga ng […]
-
Filipinas inilabas na ang listahan na sasabak sa AFC Women’s Asian Cup
Inilabas na ng Philippine Football Federation ang listahan ng Women’s National team na Filipinas na sasabak sa AFC Women’s Asian Cup Qualifiers na gaganapin mula Hunyo 23 hanggang Hulyo 5 sa Cambodia. Kinabibilangan ito nina : Sara Eggesvik, Kaya Hawkinson, Charisa Lemoran, Isabella Pasion, Alexa Pino, Quinley Quezada, Jaclyn Sawicki, at Ava Villapando para sa […]
-
Pacers, babalik agad sa mahigpit na training matapos ang impresibong
KASUNOD ng impresibong panalo ng Indiana Pacers laban sa Oklahoma City Thunder sa Game 6 ng 2025 NBA Finals, siniguro ni NBA star Tyrese Haliburton ang muling paghahanda ng koponan para sa Game 7, ang huling laban sa best-of-7 series. Sa panayam kay Haliburton matapos ang laro, sinabi niyang mas mahigpit ang gagawing pag-eensayo para sa […]
-
Alex Eala natapos na ang kampanya sa Nottingham Open
NATAPOS ang kampanya ni Filipina tennis star Alex Eala sa 2025 Nottingham Open. Ito ay matapos na mabigo siya sa kay Magda Linette ng Poland sa score na 6-4,6-3. Sa unang set ay hawak ni Eala ang kalamangan 3-0 hanggang biglang umarangkada ang Polish tennis player. Nagawa pang humabol ang Pinay tennis star subalit nangibabaw ang […]
-
Pacquiao may malaking tsansa na manalo laban kay Barrios – Mosley
WALANG tigil pa rin ang ginagawang pag-eensayo ni Pinoy boxing icon Manny Pacquiao para sa kaniyang nalalapit na laban kay Mario Barrios. Maging ang dating nakasagupa ni Pacquiao na si Shane Mosley ay naniniwalang kayang-kaya ng Pinoy boxer na patumbahin si Barrios. Dagdag pa nito na nakikita niya ang pagpupursige ni Pacquiao at kahit na may […]
-
Lakers, nabili sa halagang $10-B
IBINENTA na ang kilalang NBA team na Los Angeles Lakers sa halagang $10 billion —ang pinaka mahal na presyo para sa isang sports team sa kasaysayan ng Estados Unidos, ayon sa ulat ng ESPN. Nabatid na ang Buss family, ang nagmay-ari ng Lakers sa loob ng 47 taon, ay nagbenta ng kanilang kontrol sa koponan kay […]
-
Alas Pilipinas makakaharap ang Vietnam sa finals ng Nations Cup
PASOK na sa finals ang women’s national volleyball team ng bansa na Alas Pilipinas sa Nations Cup. Tinalo kasi nila ang Chinese Taipei 25-17, 25-21, 18-25, 15-25, 15-12 sa laro ng ginanap sa Hanoi, Vietnam. Ito ang unang pagkakataon sa loob ng anim na dekada na makapasok sa finals ang women’s volleyball team ng bansa. Makakaharap […]
-
Nonito Donaire panalo laban kay Andres Campos via technical unanimous decision
PANALO via technical decision si The Filipino Flash Nonito Donaire Jr., laban kay Andres Campos sa katatapos na laban na ginanap sa Argentina. Nakuha ni Donaire ang WBA interim Bantamweight title. Nabatid na itinigil ang laban sa round 9 dahil sa Cut na tinamo ni Donaire mula sa Headbutt. Dahil dito binase ng mga judges ang […]
-
Alex Eala pasok na sa quarterfinals ng Ikley Open
PASOK na sa quarterfinals ng Women’s Tennis Association 125 Lexus Ilkley Open si Alex Eala. Nadomina ng Pinay tennis star si Valentina Ryser ng Switzerland sa score na 6-1, 6-2 sa laro na ginaganap sa Great Britain. Ito na ang pangalawang pagkakataon na makapasok sa grass court na isang paghahanda para sa pagsabak nito sa […]
-
Tolentino bibili ng track bikes para sa velodrome
KASALUKUYAN nang naghahanap si Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino ng mga track bikes para sa pagkumpleto sa Tagaytay City Velodrome ang unang indoor track cycling facility ng bansa na angkop sa International Cycling Union (UCI) standard. Nakatakdang ilunsad ni Tolentino ang velodrome ngayong buwan kasabay ng pagdiriwang sa Tagaytay City Foundation Anniversary. “It’s […]
-
Coco Gauff nagkampeon sa French Open
NAGKAMPEON si American tennis star Coco Gauff sa French Open. Ito ay matapos na malusutan si world No. 1 Aryna Sabalenka sa score na 6-7 (5), 6-2, 6-4 para makuha nito ang ikalawang career grand slam singles. Ang 21-anyos na si Gauff lamang ang unang American kasunod ni Serena Williams noong 2015 ang nagwagi ng […]
-
Alcaraz nagkampeon sa French Open
NAGKAMPEON sa French Open si Spanish tennis star Carlos Alcaraz. Nalusutan nito ang world No. 1 na si Jannik Sinner sa score na4-6, 6-7 (4), 6-4, 7-6 (3), 7-6 (2). Umabot ng limang oras at 30 minuto at five set tie breaker ang laro para makamit ng 22-anyos na si Alcaraza ang kaniyang ika-limang major […]
-
Alas Pilipinas bigo sa kamay ng Iran sa AVC Women’s Volleyball National Cup
NABIGO ang Alas Pilipinas sa Iran sa nagpapatuloy na 2025 AVC Women’s Volleyball National Cup na ginaganap sa Hanoi, Vietnam. Hindi nakaporma ang Alas Pilipinas sa score na 25-16, 21-25, 26-24, 23-25, 13-15 sa Pool B. Bigo ang national team na makalayo sa Iranians sa ikaapat na set at nakaranas ng mabigat na pagkatalo sa decider. […]
-
Kai Sotto, mas mabilis ma-expose sa NBA dahil sa bagong Japan B. League deal
PINAIGTING pa ang partnership ng NBA at Japan B. LEAGUE, na maaaring magbukas ng mas maraming oportunidad para sa mga Filipino imports na gustong makapasok sa biggest basketball league. Ayon kay NBA Deputy Commissioner Mark Tatum, may mga pag-uusap tungkol sa mas malawak na collaboration sa pagitan ng NBA at B. LEAGUE, lalo na at nakita […]
-
Pacquiao sa boxing hall of fame: ‘Para ito sa mga nangangarap at lumalaban’
ISA na namang makasaysayang tagumpay ang naabot ni Manny Pacquiao matapos siyang opisyal na ma-induct sa International Boxing Hall of Fame nitong Lunes, Hunyo 9, sa edad na 46. Sa kanyang talumpati, binalikan ni Pacquiao ang kanyang payak na simula sa General Santos City, kung saan nagsimula ang kanyang paglalakbay bilang isang nangangarap na boksingero. “I […]
-
Alcaraz nagkampeon sa French Open
NAGKAMPEON sa French Open si Spanish tennis star Carlos Alcaraz. Nalusutan nito ang world No. 1 na si Jannik Sinner sa score na4-6, 6-7 (4), 6-4, 7-6 (3), 7-6 (2). Umabot ng limang oras at 30 minuto at five set tie breaker ang laro para makamit ng 22-anyos na si Alcaraza ang kaniyang ika-limang major title. […]
-
Carlos Yulo, nagwagi ng ika-4 na ginto sa floor exercise sa Asian Gymnastics Championships
MULING pinatunayan ni Carlos Yulo ang kanyang kagalingan sa floor exercise matapos masungkit ang kanyang ika-apat na sunod na gold medal sa Artistic Gymnastics Asian Championships noong Sabado, Hunyo 7. Nakakuha si Yulo ng 14.600 points sa final upang talunin si Milad Karimi ng Kazakhstan na may 14.400 points habang si Moon Geonyoung ng South Korea […]
-
Samahang weightlifting ng Pilipinas , kumpiyansang makakalikha ng bagong kampeonato para sa 2028 Olympics
KUMPIYANSA ang Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) na makakalikha muli ng mga panibagong kampeonato ang Pilipinas para sa 2028 Los Angeles Olympics matapos ang matagumpay na maiuwi nina Jay R Colonia at Jhodie Peralta ang 10 gintong medalya, 3 pilak, at 3 tansong napanalunan. Ayon kay SWP President Monico Puentevella, inspirasyon pa rin sa mga […]
-
Carlos Yulo muling sasabak sa torneo matapos ang 10 buwang pamamahinga
HANDANG-HANDA na muling sumabak sa kumpetisyon si Paris Olympics gold medalist Carlos Yulo. Matapos kasi ang 10 buwan na pamamahinga ay sasabak ito sa 12th Senior Men’s Artistic Gymnastics Asian Championships na gaganapin sa Jecheon, South Korea mula Hunyo 5 hanggang 8. Kasama nito ang ilang gymnast ng bansa na sina Jhon Romeo Santillan, Justine […]
-
Alex Eala, nabigo sa unang laban sa grass court kontra Linda Fruhvirtova
Naitala ni Filipina tennis star Alex Eala ang isang mabagsik na laban ngunit nabigo sa kamay ng Czech na si Linda Fruhvirtova sa kanilang unang round match sa isang grass-court tournament bilang paghahanda para sa Wimbledon 2025. Maagang nakuha ni Fruhvirtova ang unang set, 7-5, ngunit nakabawi si Eala sa ikalawang set sa isang dikit […]
-
Filipinas nabigo sa friendly game nila ng Chinese Taipei 1-0
NABIGO ang Filipinas women’s football team ng bansa sa Chinese Taipei 1-0 sa kanilang friendly Game na ginanap sa Rizal memorial stadium. Tanging si Saki Matsunaga ang nakagawa ng goal sa loob ng 27 minuto ng laro. Ito ang unang paglalaro ng Filipinas sa bansa matapos ang tatlong taon. Ang nasabing laro ay bilang paghahanda […]
-
EJ Obiena, kampeon muli sa Asian Athletics Championships
NAPANATILI ni Filipino pole vaulter EJ Obiena ang kanyang korona sa Asian Athletics Championships matapos magwagi sa laban nito sa Gumi Civic Stadium, South Korea. Sa nangyaring laban, nanguna si Huang Bokai ng China para sa isang jump-off ngunit ‘di nawalan ng pag-asa ang Pinoy na si Obiena matapos malampasan ang katunggali sa 5.77 meter […]
-
Pacquiao may nais pang patunayan kaya bumabalik sa boxing
MINALIIT lamang ni Pinoy boxing icon Manny Pacquiao ang mga batikos na wala na itong maibubuga sa boxing. Kasunod ito sa muling paglaban niya sa darating na Hulyo 19 laban kay Mario Barrios para sa WBC welterweight belt sa Las Vegas. Sinabi nito na gugulatin na lamang niya ang mga bumabatikos sa kaniya pagdating ng […]
-
Indiana Pacers makakaharap ang OKC Thunder sa NBA Finals
MAGHAHARAP na sa 78th edition ng NBA Finals ang Oklahoma City Thunder at Indiana Pacers sa darating na Hunyo 6. Unang nakapasok sa finals ang Thunder ng talunin nila ang Minnesota Timberwolves sa Game 5 ng Western Conference Finals. Habang ang Pacers ay inilampaso sa Game 6 ang New York Knicks. Mayroong kabuuang 80 panalo […]
-
Swiatek at Alcaraz, kapwa dumaan sa matinding hamon sa French Open Quarterfinals
NAGBALIK mula sa bingit ng pagkatalo ang champion na si Iga Swiatek, at tinalo si Elena Rybakina upang makapasok sa quarterfinals ng French Open. Sa una, nahirapan si Swiatek at halos matalo, ngunit nakahanap siya ng tamang diskarte upang manalo sa tatlong set, 1-6, 6-3, 7-5. Sa kabilang banda, si Carlos Alcaraz, kasalukuyang may hawak ng men’s title, ay […]
-
Speaker Romualdez pinapurihan si Filipino tennis star Alex Eala
PINAPURIHAN ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez si Filipino tennis star Alex Eala sa kanyang makasaysayang laro sa Lexus Eastbourne Open – Women’s Tennis Association (WTA) tournament . Ayon kay Speaker Romualdez, si Eala ay nagsisilbing simbolo ng ‘national pride and perseverance’ matapos maging unang Pilipino na maka-abot sa WTA Tour final. “Alex Eala has done more […]
-
Mojdeh hahataw sa Singapore meet
AARANGKADA si national pool member Micaela Jasmine Mojdeh sa prestihiyosong 20th Singapore National Swimming Championships na bahagi ng paghahanda nito para sa gaganaping SEA Games national tryouts sa Agosto. Lalarga ang Singapore meet mula Mayo 31 hanggang Hunyo 3 kung saan sasabak ang Behrouz Elite Swimming Team (BEST) ace tanker sa apat na events —women’s […]
-
Yap at Maycong may ibubuga sa Batang Gilas
NAGPAHAYAG din ng kumpiyansiya ang 13-anyos na si Maycong sa kanyang kakayahan upang makamit ang tagumpay sa karera. “Malaking tulong po sa akin nag mapabilang ako sa club team na nakapaglalaro sa ibang bansa tulad ng Singapore, Thailand at Malaysia. Marami pa akong dapat matutunan at handa naman akong magsakripisyo para punuan ang mga pagkukulang ko. Determinado […]
-
Eala at Mexican partner nakausad na sa 2nd round ng French Open Womens’ doubles
NAKAUSAD na sa ikalawang round ng French Open women’s doubles tournament si Pinay tennis star Alex Eala at Mexican partner nito na si Renata Zarazua. Tinalo nila sa first round sina Emily Appleton ng United Kingdom at Yvonne Cavalle-Reimers ng Sapin sa score na 7-5, 6-4. Naging mahigpit ang labanan ng dalawang magkapares sa unang set […]
-
Nadal naging emosyonal sa pagbibigay tribute sa kanya ng mga fans at kapwa tennis star
NAGING emosyonal si tennis star Rafael Nadal sa ginawang pagkilala sa kanya sa pagsisimula ng French Open. Ang Spanish tennis star kasi ay nagwagi ng 14 French Open Titles sa kaniyang buong career. Hindi maitago ng 38-anyos na si Nadal ang kaniyang luha matapos na makita ang mga fans. Ilan sa mga dumalo sa nasabing […]
-
Palarong Pambansa 2025, pormal nang binuksan sa Ilocos Norte
PORMAL nang binuksan ang 2025 Palarong Pambansa, na ginanap sa Ferdinand E. Marcos Memorial Stadium sa Laoag City, Ilocos Norte. Tinatayang 15,000 student-athletes mula sa iba’t ibang rehiyon ang lalahok sa palaro na tatagal hanggang Mayo 30. Tampok ang 22 regular sports kabilang ang basketball, swimming, athletics, at taekwondo. Kasama rin ang weightlifting bilang demo […]
-
Alex Eala, hindi pinalad vs Emiliana Arango sa unang round ng 2025 French Open
HINDI pinalad ang Filipina tennis player na si Alex Eala laban sa Colombian na si Emiliana Arango, 6-0, 2-6, 6-3, sa unang round ng 2025 French Open women’s singles tournament nitong Linggo. Nakabawi si Eala sa ikalawang set kung saan siya ay lumamang ng 3-2 bago ito pansamantalang itinigil dahil sa ulan. Sa kalaunan, nakuha […]
-
Eala hindi umubra kay Kostyuk ng Ukraine
NATAPOS na ang kampanya ni Pinay Tennis star Alex Eala sa Internazionali BNL d’Italia sa Rome. Sports equipment Ito ay matapos na talunin siya ni Marta Kostyuk ng Ukraine sa score na 6-0, 6-1 sa unang round ng torneo. Dahil dito ay natapos na ang mga laro ni Eala sa WTA 1000 tournament at pinaghahandaan na […]
-
Curry hindi makakapaglaro ng isang linggo dahil sa injury
INANUNSIYO ng Golden State Warriors na hindi makakapag-laro ng isang linggo ang kanilang star player na si Stephen Curry. Sports equipment Ayon sa koponan , na nagtamo ito ng Grade 1 hamstring strain na kaniyang nakamit sa Game 1 western semifinals nila ng Minnesota Timberwolves. Dahil dito ay maaring hindi makakapaglaro si Curry ng Game 2 […]
-
Weightlifters ng bansa handa na sa pagsabak sa Asian Weightlifting Championship
HANDANG -HANDA na weightlifters ng ating bansa sa pagsabak nila sa Asian Weightlifting Championship. Pangungunahan ni two-time Olympian Elreen Ando ang national team sa torneo na gaganapin sa Mayo 15 sa Jiangshan , China. Sasabak si Ando sa women’s 64-kilogram division kung saan kapag magtagumpay ito ay tiyak na ang puwesto niya sa 2028 Los […]
-
FIFA ipinakita ang mga venue ng 2027 Women’s World Cup
IPINAKITA na ng FIFA ang lugar kung saan gaganapin ang 2027 Women’s World Cup sa Brazil. Isa sa mga napili ay ang Maracana stadium sa Rio de Janiero. Kabilang din ang mga lugar na Belo Horizonte, capital Brasilia, Fortaleza, Porto Alegre, Recife, Salvador at Sao Paulo . Lahat aniya ng mga stadium na nabanggit ay […]