SRA ng healthcare workers naipamigay na
- Published on October 14, 2021
- by @peoplesbalita
Iniulat ni Health Secretary Francisco Duque III na naipamahagi na nila ang ‘special risk allowances (SRA)’ ng batches 3 at 4 ng mga healthcare workers sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Sinabi ni Duque na aabot sa P617.2 milyon ang kabuuang halaga ng SRA na kanilang naipamahagi sa kabuuang 48,226 HCWs nitong Oktubre 6.
Unang naibigay ang P309.2 milyong halaga ng SRA sa Batch 2 na kinapapalooban ng 21,248 HCWs noong Agosto 31.
Umabot naman sa P6.92 bilyon ang halaga ng SRA na naipamigay sa unang batch ng HCWs mula Setyembre 2020 hanggang Disyembre 2020.
Sa kabuuan, aabot na sa P15.88 bilyon halaga ng iba’t ibang benepisyo ang naipamahagi na umano ng DOH sa mga HCWs bilang bahagi ng paglaban nila sa COVID-19 ngayong pandemya.(Daris Jose)
-
Maynilad at Manila Water may bawas-singil sa Enero
Epektibo sa Enero 1, 2021 ay magpapatupad ng bawas sa singil sa tubig ang dalawang water concessionaire na Maynilad at Manila Water sa milyon nilang customers sa Metro Manila at karatig lalawigan. Ayon sa Manila Water, aabutin ng P0.14 kada cubic meter ang bawas nila sa singil sa tubig at sa Maynilad naman ay P0.05 kada cubic […]
-
2 drug suspects nalambat sa Navotas buy-bust
ARESTADO ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makuhanan ng higit sa P.6 milyon halaga ng shabu sa buy-bust operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Navotas Police Chief Col. Rolando Balasabas ang naarestong mga suspek na si Michael Manalaysay, 41 ng M. Domingo St. Brgy. Tangos North […]
-
Malakanyang, ipinatupad ang kautusan ng Ombudsman na suspendihin ang mga opisyal ng ARTA
IPINATUPAD ng Malakanyang ang naging kautusan ng Office of the Ombudsman na ilagay sa anim na buwang preventive suspension ang mga opisyal ng Anti-Red Tape Authority (ARTA). Isang memorandum na may petsang Hunyo 7 at nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang nagbibigay atas kay ARTA Deputy Director-General for Administration and Finance , […]