• September 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SSS may condonation program sa mga employer

NANAWAGAN ang Social Security System (SSS) sa mga emplo­yers na bigong mag-remit ng kontribusyon ng kanilang manggagawa sa nagdaang buwan at taon na samantalahin ang contribution penalty condonation programs para maayos ang kanilang obligasyon.

 

 

Kaugnay nito, hinikayat ni SSS President at Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet ang mga delinquent employers na ayusin ang kanilang  contribution delinquencies sa pamamagitan ng Contribution Penalty Condonation, Delinquency Ma­nagement and Restructuring Program (CPCoDe MRP) para sa business employers at Contribution Penalty Condonation and Restructuring Program (CPCR-P) para sa  household employers.

 

 

Sa ilalim ng contribution penalty condonation programs, aasistihan ng SSS ang business at household employers na ayusin ang kanilang delinquencies sa pamamagitan ng pagbayad ng unremitted contributions habang sumasailalim sa condonation ng penalties.

 

 

Ang  CPCoDe MRP ay para sa lahat ng  emplo­yers na classified bilang  single proprietors, corporations, partnerships, coo­peratives, at  associations na may delinquencies sa  contribution payments, kasama na ang penalties simula nang kanilang  actual date of operation.

 

 

Sinabi ni SSS Account Management Group Concurrent Acting Head Neil F. Hernaez na sa ilalim ng  programa, ang  delinquent business employers ay babayaran ang  unremitted SS contributions plus legal interest na 6% per annum sa panahon na ang  employer ay nagpakita ng katunayan na ang kanilang negosyo ay nalugi o walang kita.

Other News
  • Ads May 28, 2021

  • Nurses sa Pinas mauubos na – DOH

    MALAKI ang posibilidad na maubos na ang mga nurses na nagtatrabaho sa Pilipinas kung hindi maaampat ang patuloy na pag-alis nila patungo sa ibang bansa dahil sa mas malaking pasuweldo.     “I saw the figures, mas marami ‘yung umaalis kesa sa napo-produce natin [more nurses are leaving than what we are producing]. In a […]

  • NET25’s Family-Oriented Film, “Monday First Screening,” Showing in 100 Cinemas Nationwide on August 30th

    NET25 Films proudly presents its inaugural cinematic masterpiece, “Monday First Screening,” a heartwarming and captivating tale that transcends generations and bring families closer.     This highly anticipated movie, designed to resonate with every member of the family, is set to light up screens nationwide starting August 30th.     “Monday First Screening,” is a […]