• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SSS, PhilHealth contribution tataas simula Enero 2023

MAGKAKAROON  ng pagtaas sa kontri­busyon ng mga miyembro sa PhilHealth at Social Security System (SSS) simula Enero 2023.

 

 

Umaabot sa 1 percent ang taas sa kontribusyon sa SSS kasabay ng paglaki ng salary credit ng mga emple­yado na P30,000. Ang taas ay aakuin ng mga employer alinsunod sa SSS Law.

 

 

Inihalimbawa ng SSS na kung ang sahod ng isang miyembro ay P35,000 kada buwan, aabutin sa P4,200 ang magiging kontribusyon nito simula Enero 2023 mula sa kasalukuyang P3,375.

 

 

“Yung increase po ng contribution na 1 percent will be borne by our employers, hindi po sa empleyado hetong 2023 ‘yung increase na 1 percent,” paglilinaw ni SSS President at CEO Michael Regino.

 

 

Binigyang diin ni Regino na pabor ito para sa mga miyembro dahil may forced savings na ang kontribusyon pagdating ng retirement nito.

 

 

Samantala, .5 percent naman ang magi­ging dagdag sa kontribusyon sa PhilHealth mula sa kasalukuyang 4 percent o magiging 4.5 percent simula sa Enero.

 

 

Inihalimbawa dito na kung ang sahod ng manggagawa ay P10,000, tataas ng P450 ang hulog nito mula P400 samantalang kung mas mataas sa P10,000 hanggang mababa sa P80,000 ang sahod ng manggagawa, aabutin sa P50 hanggang P850 ang magiging dagdag-kontribusyon ng PhilHealth members.

 

 

“Kung P90,000 and above, isa lang ang babayaran nyan P4,050 a month so kung employed ka hati kayo ng employer nyo, 50-percent, 50 percent,” sabi ni PhilHealth Spokesperson Shirley Domingo.

 

 

Niliwanag ni Do­mingo na ang taas kontribusyon sa PhilHealth ay upang mapahusay ang benepisyong natatanggap ng  mga miyembro.

 

 

Nais naman ng pamunuan ng Pag-IBIG Fund na kunin muna ang panig ng mga employers at manggagawa bago maipatupad ang  tungkol sa plano nilang dagdag na P100 sa kasaluku­yang P100 kontribusyon. (Daris Jose)

Other News
  • Tokyo Olympics organizers tiwala pa rin na matutuloy ang mga laro sa Hulyo

    Tiwala pa rin ang organizers ng Tokyo Olympics na matutuloy pa rin ang mga laro kahit na nahaharap sila malaking pagsubok at ito ay ang patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19.     Sa natitirang 99 araw bago ang July 23 Olympics ay positibo pa rin ang mga organizers na matutuloy ang mga events. […]

  • Nag-comment ang asawa ng ‘see you soon’: YASMIEN, masayang pinost ang ultrasound ng paparating na baby nila

    PINAKITA ng Kapuso actress na si Yasmien Kurdi sa Instagram ang ultrasound ng kanyang paparating na baby.     Nag-post si Yasmien ng clips ng baby na gumagalaw sa kanyang sinapupunan, pati na ang heartbeat.     “I am ALIVE! So chubby! I Love You #YourMamaDragonLovesYouSoMuch #CantWaitToSeeYou #MyBabyDragon #3rdDragon in the family #IPromiseToProtectYouAlways.” caption ng […]

  • PDu30, sinabing “punch-drunk” si Pacquiao nang sabihing P10B ang nawala sa gobyerno

    SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na si Senador Manny Pacquiao ay “punch-drunk” nang sabihin ng huli na P10 bilyong piso ang nawala sa gobyerno dahil sa korapsyon.   “I think he is talking about P10 billion from nowhere… Papayag ba naman ako? Papayag ba kami? Mga secretary ng departamento na ganoon na may mawala […]