• March 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Standardization sa singil ng mga driving schools, pinag-aaralan ng LTO

TARGET  ngayon ng Land Transportation Office (LTO) na magpatupad ng standardization sa lahat ng singil ng mga driving school sa bansa.

 

 

Ito ang inihayag ni LTO chief Jose Arturo Tugade kasunod ng ilang reklamong natatanggap ng ahensya dahil sa malaking halaga ng perang kinakailangan umanong ilabas ng isang indibidwal para makakuha ng driver’s license nang dahil sa mahal na singil ng mga driving school.

 

 

Aniya, dahil dito ay bumuo na ang kagawaran ng isang komite na tututok sa pag-aaral sa ahensya pahinggil sa umiiral na rules and regulations ng accreditation ng mga driving schools.

 

 

Isa sa mga pag-aaralan ng mga ito ay ang mataas na rates na sinisingil ng mga driving schools na isa sa mga pangunaging reklamong natatanggap ng LTO.

 

 

Paliwanag ng isang representative ng isang driving school, ang mahal na singil daw kasi ng mga ito ay ginagamit para sa gasolina, maintenance at insurance ng sasakyang ginagamit, at pasweldo sa mga driving instructor.

 

 

Samantala, kaugnay nito ay iniulat din ni Tugade na mayroong ibinibigay na free theoretical driving course ngunit nilinaw niya na mayroon itong limitadong slots.

 

 

Aabot sa P100 ang singil sa mga student permit application, habang nagkakahalaga naman sa P150 ang singil para sa student permit, P100 naman para sa non-professionap license application, at P585 naman ang magiging singil para sa driver’s license.

 

 

Muli namang nagpaalala ang kagawaran na kinakailangan munang sumailalim sa theoretical and practical driving courses ang mga aplikanteng nais kumuha ng driver’s license.

Other News
  • Oscar-worthy Stunt and Action, Shocking Twists, Beautiful Music: Check Out Positive Reactions From the World Premiere of “Argylle”

    Discover ‘Argylle,’ the action-packed spy thriller directed by Matthew Vaughn, receiving critical acclaim for its stunts, music, and captivating story.  Critics who got to join the world premiere of Argylle in London are singing praises of the latest star-studded spy flick from director Matthew Vaughn… with one even joining the call for the Academy of Motion Picture Arts […]

  • San Miguel consortium nanalo sa bid ng rehab ng NAIA

    INIHAYAG ng Department of Transportation (DOTr) na ang San Miguel-led consortium ang siyang nanalo sa bidding na ginawa para sa rehabilitation ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na nagkakahalaga ng P170 billion.       Ang San Miguel consortium ay may planong maging isang world-class airport ang NAIA. Ang consortium ay binubuo ng San Miguel […]

  • Remittance inflows, patuloy na bumababa – BSP

    INIHAYAG  ng Bangko Sentral ng Pilipinas na ang mga remittance inflows mula sa mga Overseas Filipino ay patuloy na bumababa noong Pebrero upang markahan ang pinakamababang antas sa loob ng siyam na buwan.     Ang mga cash remittances o money transfer na ipinadala sa pamamagitan ng mga bangko o pormal na channel ay umabot […]