• July 17, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

State of emergency sa hog industry, pinadedeklara ng DA

Inirekomenda na ng Department of Agriculture (DA) kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasailalim ng buong bansa sa state of emergency dahil sa problemang dulot ng African Swine Fever (ASF).

 

 

Ayon kay DA Sec. William Dar, pangunahing dahilan ng deklarasyon ang lawak ng pinsala at epekto sa mga magbababoy.

 

 

Una nang iniulat ng ahensya na nasa P20 billion loan program na ang inilaan para buhayin ang hog industry.

 

 

Pero patuloy naman ang pagdami ng pinapatay at inililibing na baboy dahil sa ASF.

 

 

Kaya sa record ng DA, milyon-milyon na ang nasayang para lamang mapigilan ang pagkalat ng sakit.

 

 

Inaasahang tatagal ang recovery period ng industriya sa loob ng tatlo hanggang limang taon.

 

 

Saka lamang umano maaasahan ang muling pagsigla ng hog production, kung magkakaroon na ng repopulation ng baboy sa mga lugar na naapektuhan ng ASF. (Gene Adsuara)