Stephen Curry, binuhat ang Warriors sa panalo kontra Wolves
- Published on January 20, 2025
- by Peoples Balita
BINUHAT ni NBA superstar Stephen Curry ang Golden State Warriors (GSW) para ibulsa ang panalo laban sa Minnesota Timberwolves, tangan ang isang puntos na kalamangan, 116 – 115.
Kumamada si Curry ng 31 points at walong assists sa panalo ng GSW habang 24 points naman ang ambag ng forward na si Andrew Wiggins.
Hindi pa rin nakapaglaro si Draymond Green sa naging laban ng Warriors ngunit ipinalit sa kaniya ang sophomore na si Trayce Jackson-Davis bilang sentro.
Kumamada si Davis ng 15 rebounds, at dalawang blocks, daan upang pangunahan ang depensa ng GSW.
Hindi naman umubra ang tig-28 points na ipinasok ng dalawang guard ng Minnesota na sina Anthony Edwards at Donte DiVicenzo.
Napigilan ng Warriors ang comeback attempt ng Wolves sa 2nd half ng laban kasunod na rin ng 13-point lead na hawak ng GSW sa pagtatapos ng 1st half.
Pinilit kasi ng Wolves na habulin ang GSW sa ikatlo at huling quarter ng laban gamit ang offensive explosion nina Edwards at Donte.
Gayunpaman, napigilan ng GSW ang last-second shot attempt ng Wolves at ibinulsa ang 1-pt win laban sa kalaban.
-
9 KATAO, TINUTUGIS SA PAGPATAY SA ESTUDYANTE
TINUTUGIS ng Manila Police District (MPD) ang grupo ng siyam na kalalakihan na umano’y responsible sa pagkamatay ng isang 20-anyos na estudyante sa isang Restobar Biyernes ng madaling araw noong October 20. Inaalam pa ang pagkakakilanlan sa grupo ng kalalakihan na suspek na pagpatay kay Randall Bonifacio Y Rillion ng 3192 Int 22, […]
-
Alfred, isa sa mga sumuporta: ‘Easy Listening’ ni Nestor Cuartero, tagumpay ang book launch
MALUGOD na inihayag ng UST Publishing House (USTPH) ang paglabas ng kalilimbag na aklat, sa ilalim ng kanilang creative nonfiction shelves, na “Easy Listening” ni Nestor Cuartero Ito ay kaipunan ng mga personal na sanaysay ng veteran journalist at book author sa kanyang matapat na pagtalakay tungkol sa iba’t ibang paksa — mula sa pagninilay […]
-
Kaya matutuloy na ang ‘Pagtatag’ concert: Problema ng SB19 sa dating management, naayos na
SA wakas ay natapos na ang problema ng SB19 na may kinalaman sa kanilang dating management na ShowBT Philippines Corp. Sa pamamagitan ng sariling ahensiya ng phenomenal boy group, ang 1Z Entertainment, ay inanunsiyo nila na nagkaroon na ng pagkakasundo nito lamang Disyembre 5. Ayon sa kanilang Facebook post, ay nagkaroon […]