• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Stephen Curry, muling gumawa ng record sa panalo ng GS kontra Bucks

MULING gumawa ng kasaysayan si NBA superstar Stephen Curry sa panalo ng Golden State Warriors kontra Milwaukee Bucks, 125 – 111.

Sa naturang laban ay kumamada si Curry ng 38 big points at anim na rebounds. Ito ang ika-apat na magkakasunod na 30-point game ni Steph.

Dahil dito, sasamahan ni Curry sina LeBron James, Michael Jordan, at Karl Malone bilang mga tanging player sa NBA na may edad 36 pataas na gumawa ng apat na magkakasunod na 30-point game.

Nakapagpasok si Curry ng 12 shots mula sa 24 shots na pinakawalan. Anim dito ay pawang mga 3-pointers. Ginawaran si Curry ng siyam na free throw sa kabuuan ng laban at walo ang nagawa niyang ipasok.

Samantala, sa ikalawang laro ni Jimmy Butler sa GS, nagawa niyang kumamada ng 20 points at siyam na rebounds. 16 points naman ang ipinasok ng shooter na si Buddy Hield.

Nasayang naman ang 38 points ni Bucks guard Damian Lillard, kasama ang 21 points ng bagong Bucks forward na si Kyle Kuzma.

Labis na pinahirapan ng GS ang Bucks matapos itong kumamada ng 16 steals sa kabuuan ng laro. Dahil sa magkakasunod na steal, umabot sa 20 ang turnover na nagawa ng Bucks, bagay na sinamantala ng 2022 NBA champion.

Dahil sa panalo ng GS, umangat muli ito sa above .500, hawak ang kartadang 27 – 26.

Nagawa naman ng Bucks na kumamada ng 28 na panalo habang umabot na sa 24 ang nalasap na pagkatalo.

Other News
  • Pagpapaliban sa implementasyon ng mga infra projects, kinuwestiyon

    NAGBABALA  ang isang mambabatas sa negatibong epekto sa panukalang pagpapaliban ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa implementasyon ng ilang public works  project hanggang matapos ang midterm elections. Ayon kay CamSur Rep. LRay Villafuerte, ang pagpapaliban sa mga ito kabilang na ang mga infrastructure projects para sa pagpapaggawa ng mga nasirang imprastraktura ay […]

  • Filing ng ITR, walang extension – BIR

    WALANG ng extension sa pagpa-file ng taunang income tax returns ngayon taon, ayon sa  Bureau of Internal Re­venue  (BIR).     Ayon kay BIR De­puty Commissioner Atty. Marissa Cabreros, hanggang kahapon, April 18  ang deadline sa paghahain ng ITR.     “All info on filing have long been posted sa website and FB page ng […]

  • MGA DIPLOMATS, ASAWA AT ANAK NA PINOYS, PINAPAYAGAN NG MAKAPASOK

    PINAPAYAGAN na ng Bureau of Immigration (BI) ang mga Diplomats, kanilang asawa at anak na Pinoys batay sa natanggap nilang  resolusyon mula sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).   Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na sa natanggap nilang resolusyon No. 95  mula sa IATF na pinapayagan nila ang […]