• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Stick to the rule of law, iwasan ang karahasan sa Eleksyon 2022

NANANAWAGAN si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa publiko na manatili lamang sa “rule of law” at iwasan ang karahasan sa 2022 national elections.

 

Sa naging talumpati ni Pangulong Duterte, matapos niyang pangunahan ang pagpapasinaya sa Sultan Kudarat Provincial Hospital sa Isulan town, ay sinabi nito na nais niya ang mapayapang eleksyon sa susunod na taon.

 

“There will be votes and it will be counted correctly. Nobody wants trouble, nobody wants cheating. Sabi ko, nakikiusap na ako. I’m pleading, almost praying, that people will really stick to the rule of law and avoid violence,” ayon sa Pangulo.

 

Hindi naman binanggit ng Chief Executive ang partikular na grupo o kung mayroon mang intelligence reports na mayroong anumang organization planning na gagamit ng harahasan o puwersa para impluwensiyahan ang resulta ng national polls.

 

Subalit nagbabala ang Pangulo na maaari niyang tawagan ang military upang matiyak ang mapayapa at maayos na pagsasagawa ng halalan sa bansa sa susunod na taon.

 

“Kasi kapag hindi, unahan ko na kayo, I will be forced to use the might of the military, not for any purpose but to see to it that the election is peaceful and violence-free. ‘Yan ang hingi ko, not only here but all places in the Philippines,” ayon kay Pangulong Duterte na nauna nang pormal na tinanggap ang nominasyon na tumakbo bilang bise-presidente sa susunod na taon.

 

“Either we have an election that is free, or I will use the military to see that the elections are free. The military is the guardian of our country, and I could call them anytime to see to it that people are protected and elections freely orderly exercised,” aniya pa rin.

 

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na ang karahasan at cheating tactics sa mga nagdaang halalan ang sumira sa ilang lugar sa bansa .

 

Taong 2018, nakita sa data ng Philippine National Police na ang bilang ng “politically motivated killings” ay dumoble kumpara sa taong 2017. Nagimula ito habang papalapit ang 2018 election period.

 

Kabilang rito ay ang nangyaring pagpatay kay General Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote; Trece Martires, Cavite Vice Mayor Alex Lubigan (kapuwa pinatay noong July 2018); Buenavista Bohol Mayor Ronald Tirol noong May 2018; at Ronda, Cebu Vice Mayor Jonnah John Ungab noong February 2018. (Daris Jose)

Other News
  • After na mag-post sa IG ang Vice Governor: KRIS, nilinaw na ‘best male friend’ niya si MARK at ‘di karelasyon

    AGAD na nilinaw ng aktres at TV host na si Kris Aquino kung ano na ang namamagitang relasyon sa kanila ni Batangas Vice Governor Mark Leviste.     Sa kanyang comment sa Instagram post ni Mark noong Miyerkules, ipinagdiinan ni Kris na hindi sila, “I appreciate all your effort (through the years) BUT please clarify that we […]

  • Digital martial law sa pagpapasara ng SEC sa Rappler

    KINONDENA ni Assistant Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro ang ginawang pagpapasara ng Securities and Exchange Commission (SEC) sa Rappler.     “We are now in digital martial law as the government continues to target the press, censor and control the information available to the public with the shut down of ABS-CBN, the […]

  • Mayweather at Pacquiao nanguna sa greatest boxer ng BoxRec.com

    Nasa pangalawang puwesto sa bilang ‘greatest’ boxer ng BoxRec. com ang si Filipino boxing champion Manny Pacquiao.   Mayroong record ang fighting senator na 62 panalo, pitong talo at dalawang draw.   Nasa unang puwesto naman si US retired boxing champion Floyd Mayweather Jr dahil sa walang talo ito sa 50 na laban.   Base […]