STUDENT HEALTH PROFILING SA EDAD 12-17 SINIMULAN NA SA VALENZUELA
- Published on September 25, 2021
- by @peoplesbalita
SINIMULAN nang ipatupad ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang Student Health Profiling para sa mga estudyanteng 12 hanggang 17 taong gulang dahil sa napipintong pagbabakuna sa mga menor de edad laban sa COVID-19.
Ayon kay Mayor Rex Gatchalian, Setyembre 22 ang simula ng profiling, at kung ang anak ay nag-aaral sa public school sa lungsod, makipag-ugnayan sa class adviser o school principal para sa Student Health Profile information sheet na maaaring makuha o i-fill-out sa pamamagitan ng Google Form.
Kung ang anak naman ay nag-aaral sa private school sa lungsod, ang Pamahalaang Lungsod ay makikipag-ugnayan sa mga private school heads, at makipag-ugnayan lamang sa kanila o sa class adviser ng anak para makakuha ng Student Health Profile information sheet.
Para naman sa mga estudyanteng Valenzuelano na nag-aaral sa public o private schools sa labas ng Valenzuela, abangan ang ilalabas na URL/website link para sa online submission ng Student Health Profile.
Ipinaalala ng Pamahalaang Lungsod na tanging mga magulang/ authorized guardian lamang ang maaaring kumuha at/o mag-fill out ng Student Health Profile information sheet; italaga ang mga tamang impormasyon ng anak at; ipasa muli ang information sheet sa guro ng anak.
Ang pagbabakuna sa mga menor-de-edad sa Valenzuela ay bukas para sa mga estudyanteng nasa Grades 6 to 12 o nasa edad 12-17 taong gulang.
Giit ng Pamahalaang Lungsod, taga-Valenzuela man o hindi, basta’t nag-aaral sa lungsod ay maaaring mabakunahan laban sa COVID-19.
Inaaasahan umano ng City Hall ang kooperasyon at suporta ng bawat magulang/guardian at mag-aaral sa inisyatibong ito, at hinimok ang lahat na magpabakuna na para sa magandang kinabukasan. (Richard Mesa)
-
IATF, pinag-uusapan na ang pagbabalik operasyon ng mga provincial buses ngayong buwan
MALAKI ang posibilidad na magbalik na ang operasyon ng mga provincial buses bago matapos ang buwang kasalukuyan. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, nagpapatuloy na ang isinasagawang pagtalakay ng IATF upang masigurong maipatutupad ng maayos ang mga health protocols sa pagbabalik ng operasyon ng mga provincial buses. Kaugnay nito, suportado ng Department of […]
-
Ads February 17, 2020
-
Tatanggap ng inaasam na film grant: 31 finalist directors ng ‘Puregold CinePanalo Film Festival, pormal nang ipinakilala
ANG Puregold CinePanalo Film Festival, ang pinakahihintay na event na nakatakdang iangat ang bagong henerasyon ng outstanding Filipino films. Opisyal nang pinakilala ang mga tatanggap ng inaasam na film grant sa media conference na ginanap sa Artson Events Place, Quezon City noong Lunes, Enero 22. Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa Puregold, […]