Student Loan Moratorium Bill, itinulak ni Bong Go
- Published on November 22, 2024
- by @peoplesbalita
Habang naghihikahos ang Pilipinas sa pananalasa ng anim na malalakas na bagyo sa loob lamang ng isang buwan, nanawagan si Senator Christopher “Bong” Go pagaanin ang pasanin ng mga estudyante at kanilang pamilya sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad.
Dahil dito, kabilang si Go sa nag-akda at nag-sponsor ng Senate Bill No. 1864, o ang panukalang Student Loan Payment Moratorium During Disasters and Emergencies Act, na naghihintay na lamang ng pag-apruba ng Pangulo upang maging batas.
“Hindi na biro ang hirap na dinaranas ng ating mga kababayan. Sunod-sunod na bagyo, baha, at walang katiyakan sa kinabukasan. Hindi natin hahayaang maging dagdag-pasanin pa ang student loans sa gitna ng ganitong kalamidad,” sabi ni Go.
Ang iminungkahing batas ay nangangakong magkakaloob ng kagyat na tulong-pinansyal sa pamamagitan ng pagsuspinde sa mga pagbabayad ng pautang sa mag-aaral sa panahon at pagkatapos ng mga kalamidad. Layon nito na ang mga mag-aaral at pamilya ay makahinga nang maluwag sa kanilang muling pagbangon sa buhay.
-
P4.2 BILYONG PISO HALAGA NG IMPRASTRAKTURA, WINASIWAS NG BAGYONG ULYSSES
UMABOT na sa P4.2 bilyon piso halaga ng imprastraktura ang nasira ng bagyong Ulysses. Sa idinaos na Special Presidential briefing sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, sinabi ni Public Works and Highways Secretary Mark Villar na pumalo na sa aabot sa 52 road sections ang sarado pa ngayon at hindi pa madaanan […]
-
P85 M aerodome simulator ng CAAP binuksan
Nagkaron ng inagurasyon noong nakaraang buwan ang bagong bukas na P85 million na 3D aerodome tower simulator ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP). Nakalagay ang bagong 3D aerodome tower simulator sa CAAP’s Civil Aviation Training Center (CATC) sa Paranaque City. Natapos ang pagtatayo noong March 30 ng taong kasalukuyan. […]
-
NLEX isinama sa active player ang veteran player na si Asi Taulava
Magiging aktibo muli sa paglalaro ang veteran player ng NLEX na si Asi Taulava. Kasama si ang Fil-Tongan player sa 15-man roster na inilista at maglalaro sa 2021 PBA Governors’ Cup. Sinabi ni NLEX coach Yeng Guiao na sa edad ni Taulava ay maganda pa rin ang kaniyang pangangatawan. […]