• December 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Subi Reef, ‘anchoring hub’ ngayon ng mga barko ng tsino sa WPS

NAGSISILBI ngayong ‘anchoring hub’ ng Chinese ships ang Subi Reef sa West Philippine Sea (WPS).

 

 

Ito ang naging pahayag ni Philippine Navy (PN) spokesperson for the WPS Rear Admiral Roy Vincent Trinidad bilang tugon nang hingan ng komento ukol sa patuloy na presensiya ng Chinese ships sa Ayungin Shoal, Escoda Shoal at Pagasa Island.

 

 

Nauna rito, napaulat na may mahigit sa 80 na assorted Chinese ships ang namataan sa territorial sea ng Pagasa.

 

 

“Makikita natin ang maraming pagtitipon ng mga (Chinese) Maritime Militia ay ‘yung malapit sa Pagasa sa Subi Reef at ‘yung malapit sa Ayungin na Mischief Reef sapagkat ‘yun naman ay mga enclosed haven, mga enclosed marina ‘yun so safe harbor nila ‘yun so dun ang maraming concentration ng kanilang mga Maritime Militia kasama na rin ang (People’s Liberation Army) PLA Navy at Chinese Coast Guard, dagdag na wika nito.

 

 

Sinabi pa rin ni Trinidad na ang Subi Reef ay nagsisilbi ngayon bilang terminal o parking area ng Chinese Maritime Militia (CMM).

 

 

Ayon kay Trinidad, may panahon na umaabot hanggang 200 Chinese Maritime Militia (CMM) vessels ang nasa paligid ng reef.

 

 

Matatandaang, nagsagawa ang China ng mga reklamasyon sa Subi Reef simula noong 2014, kabilang sa kanilang naipatayo ay isang marine harbor. (Daris Jose)

Other News
  • Jason Tatum sinisi ang sarili sa pagkatalo ng team, babawi na lang daw sa Game 5

    SINISI ni NBA All-Star Jayson Tatum ang kanyang sarili sa pagkatalo ng Boston Celtics kanina sa kamay ng Golden State Wariors sa Game 4 ng NBA Finals.     Ayon kay Tatum, responsibilidad niya kung bakit kinapos ang Boston.     Aniya, kailangan na mas episyente ang kanyang diskarte, maayos na tira para mas umepekto […]

  • Biglaang paglabas ng mga tao, ikinabahala

    Ikinabahala ng mga awtoridad ang biglaang paglabas ng mga tao habang halos umabot sa ‘pre-pandemic level’ ang bilang ng mga sasakyan sa mga kalsada makaraang ibaba sa Alert Level 3 ang Metro Manila.     Mismong si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos ang nakapansin sa pagdami ng tao sa mga kalsada, sa […]

  • Williams hahakot ng 3 tropeo sa PBAPC Awards Night

    IGAGAWAD kay Season 46 Rookie of the Year Mikey Williams ng TNT Tropang Giga ang tatlong tropeo sa 2022 PBA Press Corps Awards Night sa Hun­yo 21 sa Novotel Manila Araneta Center.     Pamumunuan ng Fil-Am guard ang All-Rookie team kasama sina Jamie Malonzo (NorthPort), Calvin Oftana (NLEX), Leonard Santillan (Rain or Shine) at […]