Sumasayaw noon pero parang ‘di na bagay ngayon: ALLEN, nahahatak na lang gawin dahil sa nagti-Tiktok
- Published on May 12, 2023
- by @peoplesbalita
Hanggang kailan ba mae-extend ang kanilang serye?
“Well, actually malalaman namin this month kung… pero ang sinasabi nila, ang sinabi nilang extension dati hanggang July.
“So, ngayon parang another extension na naman.”
Magkakaroon ng kaugnayan ang karakter niya bilang si Dr. Carlos Benitez sa karakter ni Lyneth Santos na ginagampanan naman ni Carmina Villarroel.
Handa ba siyang pagselosan ng mister ni Carmina na si Zoren Legaspi, biro namin kay Allen.
Tumawa muna si Allen bago sumagot…
“Si Carmina nag-partner na kami sa Doble Kara,” pagtukoy ni Allen sa 2015 TV series ng ABS-CBN na pinagbidahan ni Julia Montes.
Ano ang pakiramdam na kahit hindi siya kasali sa original cast ng ‘Abot Kamay Na Pangarap’ ay bahagi siya ngayon ng top-rating at palaging nagba-viral na serye ng GMA?
“Blessing pa rin sa akin kasi di ba, the mere fact na kinuha ka ng pinakamataas na rating and pinakamagandang show ngayon, nakikita ko, parang blessing pa rin kahit hindi ako kasama sa simula.
“Baka kasama ka nga sa simula tapos pinatay ka naman so okay na yung dumating ka ng medyo late tapos hanggang dulo ka, di ba?”
Ang karakter ni Allen ang ama ni Zoey na ginagampanan naman ng Sparkle actress na si Kazel Kinouchi.
Bago ang ‘Abot Kamay Na Pangarap’, na pinagbibidahan ni Jillian Ward bilang Dra. Analyn Tanyag, ay naging bahagi si Allen ng GMA series na ‘Return To Paradise’ nina Derrick Monasterio at Elle Villanueva nitong nakaraang taon.
Kilalang film actor, ano ang fulfillment ni Allen kapag gumagawa ng soap opera?
“Siyempre maraming iba’t-ibang character, iba -ibang role and let’s face it mas malaki ang kita sa TV dahil regular siya.
“Iyon ang fulfillment ng mga artista , may regular na trabaho.
“At mas malakas ang recal mo s aaudience, yung familiarity ng mga tao kasi nakikita ka sa TV almost everyday.”
Lalo pa nga at sikat na sikat ang show nila.
“Kahit saan ka pumunta ngayon may nagpapa-picture sa ‘yo, tinatawag ka sa pangalan mo na Doc Carlos.”
Sa social media ay maraming komento na ang guwapo raw ng tatay ni Zoey.
Ano ang masasabi ni Allen tungkol dito?
“Siyempre di ba, parang iba rin yung napapansin yung, iyon nga napapansin yung itsura mo, yung dating mo, bagay na maging doktor, yung mga ganun.”
Biro naming muli kay Allen, nai-insecure na sa kanya si Richard Yap, ang gumaganap bilang si Dr. RJ Tanyag.
“Hindi naman,” at tumawa si Allen.
“Actually napakasaya ng grupong Abot Kamay Na Pangarap.
“Napakasaya nilang kasama, para kang nasa bahay lang na kuwentuhan lang kayo, sabay-sabay kumain, nagti-Tiktok sila.”
Maging siya raw ay napa-Tiktok na rin sa grupo.
“Sumasama ako minsan-minsan, hinihila ako ni Zoey.”
Napasayaw rin siya?
“Sayaw na kung anu-ano lang,” at muling tumawa si Allen. “Hindi naman ako sumasayaw. Anak ko nga, lahat sila nagti-Tiktok ako ano lang… sumasayaw naman talaga ako, di ba, those were the days, yung sa Viva Hot Men, pero ngayon parang hindi na bagay.”
Samantala, co-owner at kasosyo na si Allen ng Wing Commander restaurant at wala naman raw conflict kung nagmamay-ari rin si Allen ng Gerry’s Grill sa NLEX.
Bakit puro negosyong may kinalaman sa pagkain ang mga investment ni Allen?
“Siguro iyon yung kailangan ng tao e, basic need ng tao, tapos mahilig ako sa mga pagkain din.
“And alam ko na, para sa akin kasi kung ibang mga negosyo naman like for example yung hindi mo kabisado, e naumpisahan ko na, before yung Kenny Rogers, so nakita ko naman na okay yung business na food business.
“Lalo na yung mga Kapampangan mahilig sa pagkain, maarte sa pagkain.
“E itong Wing Commander kumbaga masarap yung food nila kaya kahit na hindi ako yung endorser kumakain ako.”
(ROMMEL L. GONZALES)
-
Pacquiao, ginulat ang mundo na ‘done deal’ na ang August fight vs undefeated champ Errol Spence
Binulabog ni Senator Manny Pacquiao nitong Sabado ng madaling araw (afternoon in US) ang mundo ng boxing nang ianunsiyo niya sa pamamagitan ng kanyang social media account ang laban kontra sa undefeated welterweight champion na si Errol Spence. Ang unified welterweight championships ay gaganapin sa August 21 nitong taon sa Las Vegas. […]
-
Kadiwa caravan, magpapatuloy kahit tapos na ang Kapaskuhan- PBBM
KAHIT tapos na ang Kapaskuhan ay magpapatuloy pa rin ang implementasyon ng Kadiwa ng Pasko project. Kinilala ni Pangulong Marcos Jr. ang kahalagahan na mag-alok ng abot-kayang halaga ng produkto sa mga Filipino consumers. Sa isinagawang Kadiwa ng Pasko caravan sa Quezon City, hangad ni Pangulong Marcos na makipag- tie-ups sa […]
-
2 milyong deal sa COVID-19 vaccine selyado na
Nilagdaan na ng gobyerno ng Pilipinas at ng Astrazeneca ng United Kingdom ang isang tripartite agreement para sa gagawing pagbili ng bakuna ng Covid-19. Sinabi ni Vaccine Czar At NTF chief implementer Carlito Galvez, resulta ito ng naging magandang pakikipag-usap ng pamahalaan sa biopharmaceutical company na Astrazeneca. Sa tripartite agreement, sigurado na ang […]