SUNDALO INALOK NG SHABU, VENDOR KULONG
- Published on August 19, 2021
- by @peoplesbalita
SWAK sa kalaboso ang isang fruit vendor dahil sa halip na prutas ay shabu ang inalok niya sa isang sundalo na noon ay nakasuot damit pang sibilyan sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 11 under Article II of RA 9165 ang naarestong suspek na kinilalang si Arsenio Mejia, 22, ng Dulong Tangke, Brgy., Malinta.
Base sa report ni PSSg Carlos Erasquin Jr, may hawak ng kaso kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, dakong alas-2 ng hapon nang ipakita ng suspek kay PFC Jebson Batalla, 37, miyembro ng Philippine Army at residente sa naturang lugar ang isang transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu.
Dahil nakasuot ng damit pang sibilyan, hindi inakala ni Mejia na isang sundalo si PFC Batalla at inalok niya dito ang naturang item sa halagang P300.
Nagulat na lamang si Mejia nang bigla na lamang siyang sinunggaban ni PFC Battala at narekober sa kanya ang isang plastic sachet na naglalaman ng nasa P340.00 halaga ng hinihinalang shabu. (Richard Mesa)
-
DILG, ipinagtanggol ang PNP, kinastigo ang mga kritiko sa pag-aresto kay Dr. Naty Castro
GINAGAWA lang ng mga police officers na umaresto sa health worker na si Dr. Natividad Castro ang kanilang trabaho gaya ng ginagawang imbestigasyon ng Commission on Human Rights (CHR) sa posibleng paglabag sa police procedure. Sa kalatas, tinukoy ni DILG Secretary Eduardo Año na ginagawa lamang ng mga Philippine National Police (PNP) officers […]
-
Cavs, tuloy ang paggawa ng kasaysayan sa NBA matapos umabanse sa 15 – 0
Tuluy-tuloy sa paggawa ng kasaysayan ang Cleveland Cavaliers matapos maibulsa ang ika-15 magkakasunod na panalo ngayong araw kontra Charlotte Hornets, 128 – 114. Ang naturang team ang tanging koponan na hindi pa natatalo ngayong season. Dahil sa panalo, ang Cavs ang ika-apat na team sa kasaysayan ng NBA na nakapagbulsa ng […]
-
DIRECTOR LEE ISAAC CHUNG CHARTS A THRILLING NEW COURSE FOR THE “TWISTERS” FRANCHISE
THIS July, the epic studio disaster genre returns with an adrenaline-pumping, seat-gripping, big-screen thrill ride that puts you in direct contact with one of nature’s most wondrous—and destructive—forces. “Twisters,” a current-day chapter of the 1996 blockbuster, “Twister.” storms into Philippine cinemas starting July 17. Directed by Lee Isaac Chung, the Oscar-nominated writer-director of “Minari,” “Twisters” […]