• March 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sunod-sunod ang pagkilala bilang aktor: Award na binigay ng Malacañang kay JOAQUIN, ni-recognize din ng Manila

NAKIKITA namin kay Joaquin Domagoso na tila surreal sa kanya ang lahat ng mga nangyayari sa kanya, lalo na ang sunod-sunod na pagtanggap ng mga awards.

 

After sa Malacañang, binigyan naman siya sa Manila.

 

“Binigyan po ako ni Sir Yul (Servo) ni-recognize niya po ‘yung award na binigay rin sa akin na award ng Malacañang, which, I’m very thankful po for Sir Yul. And natuwa rin po ako na nando’n din po ang signature ng lahat ng councilors ng Manila.”

 

Siyempre, isang Manileño talaga si Joaquin kaya malaking bagay sa kanya na mai-recognize raw siya sa mismong bayan niya. Kahit daw ang Daddy niya, si former Manila Mayor Isko Moreno ay nagulat at natuwa raw nang malaman.

 

“Shock din ang Papa ko, kasi, he didn’t expected na ire-recognize ako ng Manila,” sey niya.

 

Mukhang hindi pa matatapos ang pagbibigay ng pagkilala kay Joaquin sa bansa dahil sa naibigay niyang karangalan sa bansa sa pelikula niyang “That Boy in the Dark” na limang Best Actor International awards ang nakuha niya.

 

Pero inamin ni Joaquin nang makausap namin sa Scott Media na nando’n siyempre ang saya sa mga hindi niya inaasahang maagang pagkilala sa kanya bilang actor, pero nando’n din daw talaga ang nararamdaman niyang matinding pressure.

 

Aniya, “I’m very happy lang talaga but now that I keep getting awards, I’m stuck with what knowing what to do. Currently, marami na po akong napasalamatan. I’m at the point na, ‘ano na next?’ The awards, yes, I’m thankful, pero parang, what’s next po?”

 

Sa ngayon daw, patuloy pa rin siyang nagwo-workshop para tuloy-tuloy ang improvement niya sa pag-arte.

 

“Pero ‘yung pressure, opo, it’s like a lot of people are waiting for you to fail,” pag-amin niya. “Kailangan ko lang din po sigurong ma-sustain,” sabi naman niya.

 

 

 

(ROSE GARCIA)

Other News
  • PCG, K9 EOD, nagsagawa ng paneling inspection

    NAGSAGAWA ng paneling,inspection at iba pang security measures ang Philippine Coast Guard (PCG) K-9 Explosive Ordnance Disposal (K9-EOD) Team.   Ito ay kaugnay sa Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction (APMCDRR) sa Manila.   Ang PCG ay bahagi ng security cluster, kasama ang Philippine National Police (PNP).   Ang gobyerno ng Pilipinas sa pakikipagtulungan […]

  • Charles III, nagpaabot kay PBBM ng “warmest felicitations” para sa ina nitong si Unang Ginang Imelda Marcos

    SINABI ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr.  na magkakilala ang kanyang ina na si Unang Ginang Imelda Marcos at  King Charles III.     Sa katunayan aniya ay tinanong at kinamusta ni King Charles III ang kanyang ina sa idinaos na coronation  nitong weekend.     Ikinuwento ng Pangulo na matagal ng magkakilala ang kanyang ina […]

  • PBBM: Trabaho sa lahat ng Pinoy, pangarap ko

    PANGARAP umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mabigyan ng trabaho ang lahat ng mga Filipino para hindi na sila mapilitang mag-abroad para lamang makapaghanapbuhay.     Sa pagharap ni PBBM sa Filipino Community sa Brussels, Belgium sinabi nito na kaya nagsisikap ang kanyang administrasyon na manghikayat ng mga dayuhang mamumuhunan para mas maraming trabaho […]