• September 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sunog sa Manila Central Post Office, dahil sa sumabog na baterya ng sasakyan

AKSIDENTE lamang umano ang sunog na tumupok sa Manila Central Post Office sa Lawton, Maynila noong nakaraang buwan.

 

 

Ito ang naging resulta nang isinagawang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), na nagsabing ang apoy ay nagmula sa sumabog na  baterya ng sasakyan na na-discharged at nag-init hanggang sa tuluyang magliyab at tumupok sa mga nakapaligid ditong combustible materials na nasa Mega Manila Sto­rage Room.

 

 

Anang BFP, kabilang sa mga gamit na naka-imbak sa naturang silid ay mga office supplies, thinner, at pintura.

 

 

Kaugnay nito, sinabi ng BFP na itinuturing nila sa ngayong sarado na ang imbestigasyon sa sunog sa post office.

 

 

Sa kanyang panig, sinabi naman ni PHLPost Postmaster General Luis Carlos na tinatanggap nila ang resulta ng imbestigasyon ng BFP.

 

 

Sa ngayon aniya ay magpopokus na lamang sila sa recovery at rehabilitasyon ng nasunog na makasaysayang gusali.

 

 

Matatandaang Mayo 21 ng gabi nang sumiklab ang sunog sa gusali.

 

 

Nagsimula ito sa basement at mabilis na tumupok sa buong gusali.

 

 

Inabot ng general alarm ang sunog bago tuluyang naapula matapos ang 31-oras.

 

 

Nasa 18 katao, na ka­ramihan ay nga bumbero, ang nasugatan dahil sa sunog.

 

 

Sa pagtaya ng BFP, aabot sa 300 milyon ang halaga ng mga ari-ariang tinupok ng apoy.

 

 

Dahil sa resultang ito, ikinukunsidera ng BFP na “case closed” na ang kaso sa pagkasunog ng 97-taong gulang na gusali. (Daris Jose)

Other News
  • Ads June 21, 2024

  • SC binasura ang petition renaming MIA to NAIA

    Binasura ng Supreme Court (SC) ang petition ng lawyer na si Larry Gadon upang ipawalang bisa ang 33-year-old na batas sa pagbabago ng Manila International Airport (MIA) upang maging Ninoy Aquino International Airport (NAIA).   Sa isang full session noong Martes, ang mga justices ng SC ay sumangayon lahat na hindi pagbigyan ang petition dahil […]

  • LGBT Bulacan Federation, naglaan ng 600 vaccination slots para sa mga Bulakenyo

    LUNGSOD NG MALOLOS – Naglaan ang Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office at Provincial Health Office – Public Health, sa inisyatiba ng LGBT Bulacan Federation, ng 600 vaccination slots para sa mga Bulakenyo laban sa COVID-19 na isasagawa sa Nobyembre 11, 2021, 8:00 N.U. hanggang 2:00 N.H. sa Provincial Vaccination Site, Hiyas ng Bulacan Convention Center, Capitol Compound, […]