Sunog, sumiklab sa Condo sa Ermita
- Published on October 10, 2024
- by @peoplesbalita
SUMIKLAB ang sunog sa isang unit ng Solana condominium sa Ermita, Maynila kahapon ng umaga .
Sa impormasyon ng BFP Manila, bandang 7:25 ngayong umaga nang nagsimula ang sunog sa unit na nasa ika -5 palapag ng gusali sa Natividad Lopez St tabi ng Ayala bridge.
Dahil sa maagap na pagresponde ng mga bumbero, ang sunog ay umabot lamang ng kalahating oras.
Naideklarang kontrolado ang apoy bandang 7:45 ng umaga bago tuluyang naapula makalipas ang ilang minuto.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng BFP Manila sa sanhi at halaga ng pinsalang dulot ng sunog.
Wala naman naitala ang Emergency Medical Service ng BFP Manila na nasaktan sa insidente. GENE ADSUARA
-
Fil-Japanese golf player Yuka Saso umangat ang world ranking
Umangat ang world ranking ni Filipina-Japanese golf player Yuka Saso. Base sa Rolex World Ranking nasa pang-8 puwesto ang 19-anyos na si Saso. Naging malaking tulong ang pagkampeon nito sa 76th US Women’s Open sa San Francisco na siyang kauna-unahang Filipina na nagkampeon sa nasabing torney Nahigitan nito si […]
-
LTFRB: 4,400 PUVs pinayagan magkaron ng operasyon
May 4,400 na public utility vehicles (PUVs) ang pinayagan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magkaron ng muling operasyon sa may mahigit na 250 PUV na ruta. Ayon kay LTFRb officer-in-charge Zona Tamayo na may 1,800 na traditional jeepneys at 2,600 na provincial buses ang pinayagan na mag operate. […]
-
27-anyos na wanted sa murder sa Valenzuela, nalambat sa Leyte
NAGWAKAS na ang pagtatago sa batas ng isang lalaki na wanted sa kasong murder sa Lungsod ng Valenzuela matapos makorner ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa probinsya ng Leyte. Sa kanyang report Northern Police District (NPD) OIC Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban na nakatanggap sila […]