• March 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SUNSHINE, tahimik lang sa balitang lumipat na ng ABS-CBN; unang serye, makakasama sina PAULO at JANINE

TAHIMIK lang ang actress na si Sunshine Dizon kahit na naglalabasan na ang mga balitang lumipat na siya ng ABS-CBN mula sa pagiging isang Kapuso.

 

 

Ang daming nagulat sa totoo lang bilang si Sunshine ang isa sa masasabing Kapuso all through-out her career.

 

 

Wala rin statement na inilalabas pa ang kanyang talent management, ang PPL Entertainment, Inc. Pero, nag-Instagram Live ang kanyang manager na si Perry Lansigan at nang may magtanong tungkol sa isyu ng paglipat ni Sunshine ng network, paulit-ulit lang siyang sumagot na dapat, ang artista raw ang sinusuportahan kung nasaan man ito, lalo na at kung sinasabi na fan ka ng particular na artista.

 

 

Pero may nagsulat at nakalabas na nga na kasama si Sunshine sa naging storycon ng unang serye na pagbibidahan ni Janine Gutierrez opposites Paulo Avelino.  

 

 

Yes, tatlo silang mga dating Kapuso.

 

 

***

 

 

ISA kami sa nakakita na madalas nag-i-interact sa Twitter at Instagram ang bagong magkapareha ngayon na Kapuso stars, ang Asia’s Pop Diva na si Julie Anne San Jose at ang Kapuso Hunk na si David Licauco.

 

 

Pansin din naman kasi na parang may kakaibang real kilig ang dalawa mula nang magsimulang magkasama at mag-lock-in taping para sa kanilang unang serye, ang Heartful Café.

 

 

Kaya siguro ang mga tagahanga ni Julie Anne, iba rin ang suporta at kilig sa kanilang dalawa kahit na sa Lunes, April 26 pa sa GMA-7 at GMA Heart of Asia magsisimula silang mapanood.

 

 

     “Well, actually noong start nga, nagugulat ako, yung attention, ang dami, e. Hindi ko na-experience before,” sabi ni David.

 

 

Kaya napaisip daw siya na baka ganun talaga ang mga fans ni Julie sa mga nagiging leading men nito. Pero kinumpirma nga raw sa kanya ni Julie na iba ngayon.

 

 

Aniya, “Inisip ko baka even sa mga naging partner niya, gano’n ang mga fans niya. But then, I asked her na baka naman ganun lang silang lahat na nali-link na pair mo. But then, Julie answered na hindi, ngayon lang sila kinilig.

 

 

     “Wow, napaka-ano pala, baka nga it might work. At nakakatuwa ang mga fans niya kasi, kahit na ano ang gawin ko, almost every day nagtatanong sila, wala bang, uy, wala bang post about Julie?  Nakakatuwa lang na nakakapagpa-happy ka ng mga fans.”

 

 

Sa isang banda, trailer pa lang ng Heartful Café ay mukhang kakaiba nga ang kilig na ihahatid ng dalawa. Kaya no wonder, when David was asked kung ano ang mamimiss niya kay Julie, hindi raw siguro niya ito mamimiss dahil feel niya or hoping siya na magkakasama pa rin sila sa susunod nilang projects. (ROSE GARCIA)

Other News
  • Appointment ni Sec. Tulfo, tagilid

    IPINAGPALIBAN ng Commission on Appointments (CA) ang kumpirmasyon ng appointment ni DSWD Secretary Erwin Tulfo matapos masilip ang dual citizenship nito.     May US at Filipino citizenship si Tulfo.     Nagmosyon si CA Majority Leader at Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte na i-defer ang kumpirmasyon sa appointment ni Tulfo dahil sa dalawang isyung […]

  • Pope Francis nakiisa na rin sa ‘global vaccination’ campaign, nakatakda magpabakuna next week

    Nakiisa na rin ang Pope Francis ang pinaka mataas na lider ng Simbahang Katoliko sa global vaccination campaign laban sa nakamamatay na virus ang Covid-19.   Nitong Sabado, mismong si Queen Elizabeth ng Great Britain at ang asawa nitong si Prince Philip ay binakunahan na ng Covid-19 vaccine, kahapon bagay na kinumpirma mismo ng Buckingham […]

  • Ads June 28, 2022