Superal nagreyna sa ICTSI
- Published on July 14, 2021
- by @peoplesbalita
DINISPATSA ni Princess Mary Superal sina Harmie Constantino at Chihiro Ikeda sa birdie sa front nine at ang astig na hamon ni Chanelle Avaricio sa birdie sa 17th para maka-65 at maiposte ang one-stroke win sa kahahambalos na ICTSI Sherwood Ladies Challenge sa Trece Martirez City.
May 208 aggregate siya kasama pa ang 74-69 sa Sherwood Hills Golf Club para maisubi ang P112K winners check sa second victry sa apat na event ng Pilipinas Golf Tournaments, Inc.
“I actually had no idea of Chanelle’s surge but I knew there would be one who will go low,” bulalas ni Superal, na lumamang ng dalawa sa kambal na birdie mula sa No. 14 at tinablahan si Avaricio mula sa tatlong birdie. “But I just did what I was supposed to do, stuck to my routine and stayed focused.”
Nakuntento na lang sa P90K si Avaricio sa pagsegunda sa 65-209 samantalang tumersera si Constantino sa 72-214 na may kalakip na P75K. (REC)
-
2 walang suot na face mask, huli sa shabu
KULONG ang dalawang katao na nasita dahil sa hindi pagsuot ng face at paglabag sa curfew hour matapos makuhanan ng tig-isang plastic sachet ng hinihinalang shabu sa Malabon city, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang mga naarestong suspek na si Rommel Dayao, 34, at Rominick Mirandilla, 31, […]
-
Wala pang balasahan: PBBM, susuriing mabuti ang mga miyembro ng gabinete- PBBM
SUSURIING mabuti ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga miyembro ng kanyang gabinete sa gitna ng kumakalat na tsismis na may nakaambang na malawakang balasahan sa gabinete ng Chief Executive. “Every time kailangan namang mag-evaluate ng Pangulo eh kung ang kaniyang secretaries, Cabinet members are doing well for the government, for the people,” ang sinabi ni […]
-
No. 9 top most wanted person ng Valenzuela, arestado
HIMAS-REHAS ang isang lalaki na wanted sa kasong robbery matapos maaresto ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Valenzuela City. Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., ang naarestong akusado na si alyas “Aerol”, 23 ng Francisco St., Brgy, Gen T De Leon na nasa No. 9 Top MWP ng Valenzuela […]