• April 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Suplay ng isda sa Holy Week, sapat – BFAR

TINIYAK ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na sapat ang suplay ng isda sa panahon ng Semana Santa.

 

Ayon kay BFAR spokesperson Nazario Briguera, kumpiyansa ang kanilang hanay na sapat ang suplay ng isda dahil binuksan na ang periodic closure sa pangi­ngisda sa ilang lugar.

 

“Dahil nasa peak season tayo ngayon sa fishing activity. We expect na kaya nating punan ‘yung supply kahit tumaas ang demand sa Mahal na Araw,” pahayag ni Briguera.

Gayunman, sinabi ni Briquera, maaring maapektuhan pa rin ang suplay ng isda sa bansa dahil sa ilang balakid tulad ng nangyaring oil spill sa Oriental Mindoro.

 

Problema rin aniya ng mga mangingisda ngayon ang mataas na presyo sa produktong petrolyo at post-harvest losses.

Una nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magpapatayo siya ng 11 cold storage facility para hindi masira ang mga huling isda. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • Knott makakaabot ng Olympics – Juico

    KUMPIYANSA si Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) chief Philip Ella Juico na magku-qualify sa 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo, Japan si sprint runner Kristina Knott.   Ito’y makaraang mag-silver medal sa Drake Blue Oval Showcase sa Iowa, United States nitong Sabado ng ng Fil-Am Kristina at giniba ang 33-year-old record ni Lydia […]

  • Drug pusher nalambat sa Caloocan buy bust, P340K shabu, nasamsam

    PINURI ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/MGen. Jonnel Estomo ang Caloocan City Police sa kanilang matagumpay na kampanya kontra illegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa isa umanong notoryus drug pusher na listed bilang High-Value Individual (HVI) at pagkakakumpiska sa higit P.3 milyon halaga ng shabu.         Kinilala […]

  • Gordon, bahag ang buntot na maging paksa nang pagsisiyasat ng COA ang PRC

    SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na takot si Senador Richard Gordon na maging paksa ang Philippine Red Cross (PRC) nang pagsisiyasat ng Commission on Audit (COA).   Ang pahayag na ito ng Pangulo ay sa gitna ng nagpapatuloy na imbestigasyon ng Senate blue ribbon committee ukol sa P8-bilyong halaga ng pandemic supply na binili […]