• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Suplay ng karne ng baboy, sapat ngayong Pasko – DA

SAPAT ang suplay ng karne ng baboy sa merkado ngayong Pasko.

 

 

Ito ang tiniyak kahapon ni Department of Agriculture (DA) Deputy Spokesperson Rex Estoperez.

 

 

Ayon kay Estoperez, dahil mas gusto ng mga mamimili na bumili ng sariwang karne, nag-aalangan ang mga nagbebenta ng frozen meat na ilabas ang kanilang mga supply nang maramihan.

 

 

Gayunman, pagtiyak niya, walang kakulangan o shortage ng baboy sa bansa.

 

 

“Ayun nga lang, kung may frozen at mababa, depende sa inyo kung tangkilikin niyo ‘yun. Kung bagong katay, sa inyo naman ang preference. Pero, wala tayong kakulangan sa karneng baboy lalong lalo na nalalapit ang Pasko,” pahayag pa ni Estoperez, sa panayam sa radyo.

 

 

Ganito rin naman ang pahayag ng mga magsasaka na Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG).

 

 

Anang SINAG, may sapat na suplay ng baboy para sa holidays kahit tumaas ang presyo sa ilang wet market sa Metro Manila.

 

 

Sinabi pa ng grupo na ang farmgate prices ng live hogs ay nasa P155 hanggang P175 kada kilo, pero tumaas ito ng P300 bawat  kilo sa ilang wet market sa Metro Manila.

 

 

Ayon naman sa DA, nakapokus ngayon ang gobyerno sa pagpapalakas ng produksyon ng live hog matapos na tamaan ng African Swine Fever (ASF) ang anim na rehiyon sa bansa.

Other News
  • Q’final series, simula na! Ginebra, ayaw maging kampante vs Batang Pier

    Kahit malakas na ang Ginebra San Miguel, hindi pa rin kampante laban sa NorthPort sa pagsisimula ng quarterfinal series ng PBA Commissioner’s Cup nitong Miyerkules ng hapon.   Sa isang television interview, binanggit ni Gin Kings coach Tim Cone, kahit nasa ikaanim na puwesto ang Batang Pier, hindi pa rin nila ito minamaliit.   “They’re […]

  • Isko-Sara tandem sa 2022 lumutang

    UMANI ng negatibong komento sa social media ang lumutang na Isko-Sara tandem sa 2022 election.     Pakiramdam ng kanyang mga taga-suporta “pinagtaksilan” umano sila ni Manila Mayor Isko Moreno dahil tila tinalikuran umano nito ang kanyang running-mate na si Doc Willie Ong.     “Si Yorme nanonolongges na. Hindi na alam kung saan kukuha […]

  • E-sabong isama sa mga illegal gambling – PNP

    NAIS ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. na isama ang e-sabong sa listahan ng mga illegal gambling sa bansa.     Ayon kay Azurin, inirekomenda ng Anti Cybercrime Group sa Kongreso ang pagsasama ng e-sabong sa ilegal na sugal na may parusa sa ilalim ng Presidential Decree 1602.     Sinabi […]