• July 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Suplay ng NFA rice, sapat para sa mga Kadiwa store-PBBM

MAY sapat na bigas ang  National Food Authority (NFA) para suplayan ang mga Kadiwa store ngayong Kapaskuhan.
Pinangunahan kasi kahapon, araw ng Sabado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang “surprise inspection” sa warehouse ng National Food Authority (NFA) sa Valenzuela City.
Nais kasi  ni Pangulong Marcos na personal na i-check ang suplay ng bigas.
Sinabi ng Pangulo na nais niyang masiguro na may sapat na suplay ng bigas na mabibili sa murang halaga sa lahat ng Kadiwa outlets.
“This is already the season na naglalabas na ng bigas, so tuluy-tuloy na siguro ito para naman matiyak natin na ang Kadiwa ay hindi mauubusan ng commodities na ipagbibili at a good price na P25,” ani Pangulong Marcos.
“Tinitingnan ko kung saan manggagaling ‘yung ‘supply na pinagbibili natin sa mga Kadiwa. So, pinuntahan ko muna kung may laman naman ‘yung mga warehouse at merong parating pa nga,” dagdag na wika ng Pangulo.
At sa tanong kung sapat ang suplay ng bigas, sumagot si Pangulong Marcos sa mga mamamahayag na “Oo, mukha naman, so far. Nabawasan kasi, talagang binawasan natin ‘yung importation, doon natin kinukuha sa production. So okay, I think we’ll be alright.”
Gayunman, sinabi ni Pangulong Marcos na kailangan na mahigpit na  i-monitor ang suplay ng bigas dahil  makaaapekto sa produksyon ang “masamang panahon.”
“Pero, siyempre, kailangang bantayan nang husto iyan. ‘Pag tinamaan na naman tayo ng masamang weather, mararamdaman na naman natin ‘yan sa supply ng palay, ng bigas,” ayon sa Pangulo.
Si Pangulong Marcos ay umuupo rin bilang Agriculture secretary.
Ukol naman sa suplay ng sibuyas, sinabi ng Pangulo na tinutugunan na ng gobyerno ang problema hinggil dito.
“Ang nangyayari ngayon is that we’re finding a way. Ang daming nahahanap ngayon na smuggler na kinukuha namin. As quickly as possible, naghahanap nga kami ng paraan kasi usually ‘yan kakasuhan mo pa bago i-auction. By the time i-auction mo ‘yan, wala na, sira na ‘yan. Kaya sabi ko hanap tayo ng paraan para mailabas kaagad, mailagay sa market lahat ‘yan. So ‘yun ang pinag-aaralan namin ngayon, anito.
“Baka by next week meron na tayong solution,” aniya pa rin
Tinatayang may P3.9 milyong halaga ng imported white onions na di umano’y smuggled ang nakumpiska ng mga awtoridad sa Divisoria, Maynila. (Daris Jose)
Other News
  • Unang COVID-19 Lambda variant case sa ‘Pinas buntis, Western Visayas ‘local infection’ — DOH

    Nagdadalang-tao ang unang kaso ng “Lambda variant” ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas, bagay na maaaaring sa loob na raw ng bansa naipasa sabi ng Department of Health (DOH).     Linggo lang nang kumpirmahin ng DOH na isang 35-anyos na babae ang nadali ng Lambda variant, na unang namataan sa Peru. Sinasabing wala siyang sintomas […]

  • MOA ng EDSA busway bridge nilagdaan

    Lumagda ang Department of Transportation (DOTr) sa isang kasundaan sa pagitan ng mga kumpanya tulad ng SM Prime Holdings, DM Wesceslao and Associates Inc., at Double Dragon Properties Corp. para sa pagtatayo  ng EDSA busway bridges.   Ang mga bridges ay magkakaron ng concourse na poponduhan ng tatlong nasabing kumpanya. Ito ay magbibigay ng ligtas, […]

  • Pinas, hindi isusuko ang teritoryo- PBBM

    HINDI isusuko ng Pilipinas ang teritoryo nito.     Ito ang tiniyak at binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kahit pa maliliit ang puwersa ng Pilipinas kumpara sa mga “those encountered in the West Philippine Sea.”     Sa kanyang pagsasalita sa Western Command of the Armed Forces of the Philippines sa Palawan,  malugod na […]