• March 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Suporta kay Pacquiao bumuhos

Nagpahayag ng iba­yong suporta pa rin ang Malacañang at ma­ging mga kasamahan sa Senado kay Senador Manny Pacquiao sa kabila ng pagkatalo niya kay Cuban boxer Yordenis Ugas sa kanilang super welterweight boxing match sa Las Vegas, Nevada.

 

 

“The boxing icon’s loss in Las Vegas would not diminish the ho­nors he bestowed to our country and the joy he gave to our people,” ayon sa pahayag ng Office of the Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

 

“Senator Pacquiao will forever be etched in the hearts of Filipinos as our People’s Champ,” dagdag pa nito.

 

 

Sinabi pa na tuloy pa rin ang suporta ng Palas­yo kay Pacquiao sa kabila ng pagkatalo sa mas batang Cubano na isa ring dating Olympian at sa mga nakaraang isyu sa pagitan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

Para naman sa kaniyang mga kasamahan sa Senado, mananatili na ‘national treasure’ ng Pilipinas si Pacquiao dahil sa pagpapakita niya ng tapang at husay sa kabila ng kaniyang edad na 42. (Daris Jose)

Other News
  • Kabuuang kita ng ‘MMFF 2023’, lampas isang bilyon na: ‘Rewind’ nina DINGDONG at MARIAN, higit P600M na ang kinita at kalat na ang ‘pirated copy’

    NAG-UUMAPAW ang pasasalamat ng Metro Manila Film Festival dahil umabot na sa higit isang bilyong piso ang kinita ng 49th MMFF noong ika-7 ng Enero, na talaga namang pinilahan ng mga manonood ang huling araw ng filmfest.   At dahil sa matinding pagsuporta at kahilingan nang hindi pa nakakapanood ng 10 official entries, “A Family […]

  • Colegio de San Lorenzo sa QC nag-anunsiyo na ng pagsasara

    NAG-ANUNSIYO ng “permanent closure” ang Colegio de San Lorenzo sa Quezon City.     Ito ay dulot ng financial instability bilang resulta ng pandemya ng COVID-19, at mababang enrollment.     Ang kolehiyo, na matatagpuan sa Congressional Avenue, ay nagsabing ganap nitong ibabalik ang mga bayad na binayaran ng mga mag-aaral na nakapag-enroll na para […]

  • Kiyomi bigatin ang makakalaban sa Tokyo Games

    Aminado ang Philippine Judo Federation (PJF) na mahihirapan si Fil-Japanese Kiyomi Watanabe na makapag-uwi ng medalya mula sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.     Ito ay dahil sa bigating mga karibal ni Watanabe sa women’s -63-kilogram division, ayon kay PJF president David Carter.     Ilan rito ay sina World No.1 Clarisee Agbenenou […]