• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Suportado rin ng mga sikat na artista: OFW volunteers ni Sen. BONG GO, nagkaroon ng oath-taking sa Japan

NAGKAROON ng oath-taking kamakailan ang humigit kumulang 400 OFW volunteers ni Senator Bong sa Osaka, Japan kamakailan.
Suportado ito ng mga sikat na artista katulad nina Moymoy Palaboy at Rodfil.
Tunay nga na mainit ang pagsuporta ng mga Overseas Filipino Workers kay Senator Bong.
Pinatunayan ito sa paglulunsad ng “Go Bong Go Global Filipinos” sa Osaka, Japan noong February 16, 2025. Ang grupo ay samahan ng OFW volunteer supporters ni Senator Bong sa kanyang pagtakbong muli para sa Senado ngayong darating na halalan.
Dinaluhan ito nang napakaraming Overseas Filipino Migrants and Workers kasama nang kanilang pamilya na talagang pinakita ang nag-aalab nilang pagsuporta para sa senador.
Dinagsa rin ang event ng iba’t ibang mga group leaders sa Japan.
“Masaya kami at naging dahilan si Senator Bong para magsasama-sama ang mga Pilipino dito sa Osaka.
“Kami ay naniniwala na siya ay isang public servant na hindi lamang puro pangako. Kapag sinabi niyang gagawin niya, ay tiyak na gagawin niya, “ sabi ni Ms. Libye Suzuki na isang parallel group leader para sa GBG Global Japan sa kanyang testimonial.
“Mahusay ang kanyang pagseserbisyo, nawa’y patuloy niyang magawa ang ganitong klaseng serbisyo na may tunay na malasakit sa tao,” sabi naman ni Ms. Myrla Nagallo na nagmula pa sa malayong Fukuoka.
Masaya naman nagtanghal ang mga sikat na artista sa Pilipinas na sina Moymoy Palaboy at Rodfil, kasama si Ms. Shane Santos, film actress na bida sa pelikulang “Mama, san?” na box-office hit sa Japan, si Kazuo Nawa na taga-Star Magic ng Abs-Cbn na based na sa Japan, Mika Lorie na sikat na DJ at recording artist, Lady V, Princess Lerio na artista mula sa pelikulang “Otoko Oona”, D’baddest dance crew at syempre, mga Filipino community leaders mula sa Global Maharlika In Kansai (GMIK) at iba pang Filcom performers.
Sina Keiko Makikawa at Artist Orbista naman ang naging hosts para sa naturang event. Nang dahil sa tagumpay ng pagtitipon, nanawagan din tuloy ang ibang mga OFW supporters ni Senator Bong Go na dalahin ang event sa iba’t ibang sulok ng mundo.
Para sa mga updates, magtungo sa www.facebook.com/GBGglobalFilipinos para sa karagdagang impormasyon.

(ROHN ROMULO) 

Other News
  • Isa sa mga Aklanon Warriors, nasungkit ang bronze medal sa 8th Pencak Silat Combative Martial Arts Championship Tournament sa Uzbekistan

    NASUNGKIT ng isa sa mga Aklanon warriors ang bronze medal sa 8th Pencak Silat Combative Martial Arts Championship Tournament na ginanap sa Bukhara, Samarakand, Uzbekistan na nagtapos araw ng Miyerkules, Oktobre 16, 2024.     Napasakamay ni Shara Julia David Jizmundo ang nasabing medalya sa final sa Solo Tungal Artistic kung saan, tinalo nito ang […]

  • Colegio de San Lorenzo sa QC nag-anunsiyo na ng pagsasara

    NAG-ANUNSIYO ng “permanent closure” ang Colegio de San Lorenzo sa Quezon City.     Ito ay dulot ng financial instability bilang resulta ng pandemya ng COVID-19, at mababang enrollment.     Ang kolehiyo, na matatagpuan sa Congressional Avenue, ay nagsabing ganap nitong ibabalik ang mga bayad na binayaran ng mga mag-aaral na nakapag-enroll na para […]

  • Naoko Yamada’s latest anime film, “The Colors Within,” arrives in PH cinemas on October 23

    A heartfelt journey of friendship and music, the award-winning film “The Color Within” promises a breathtaking experience.   From the visionary director of the beloved anime series “K-On!,” Naoko Yamada brings another heartwarming masterpiece to life with her latest film.     Set to open in the Philippines on October 23, this beautifully crafted anime […]