Supplies allowance para sa mga public school teachers dapat tiyakin – Senador
- Published on May 29, 2023
- by @peoplesbalita
MATAPOS aprubahan sa huli at ikatlong pagbasa ang Kabalikat sa Pagtuturo Act (Senate Bill No. 1964), binigyang diin ni Senador Win Gatchalian na napapanahon na ang batas para gawin nang pamantayan ang pamimigay ng teaching allowance para sa mga guro sa mga pampublikong paaralan.
Nakasaad sa panukalang batas ang pagkakaloob ng teaching allowance na maaaring gastusin para sa kagamitan na kailangan sa pagtuturo, kabilang ang bayad sa iba pang mga incidental expenses, at ang pagpapatupad ng iba’t ibang paraan ng pagtuturo na kinikilala ng Department of Education (DepEd.)
Para sa School Year 2023-2024, isinusulong ang teaching supplies allowance sa halagang P7,500 kada guro. Tataas sa halagang P10,000 ang naturang allowance simula SY 2024-2025.
Paliwanag ni Gatchalian, pumasa na sa Senado ang kaparehong mga panukala noong 17th and 18th Congress.
Kaya naman dapat maging prayoridad ngayong 19th Congress ang pagsasabatas ng naturang panukala.
Ayon pa kay Gatchalian, bagama’t napopondohan naman ng Kongreso ang pagkakaloob ng teaching supplies allowance sa ilalim ng national budget, matitiyak ng batas na matatanggap ng mga guro taon-taon ang naturang allowance. (Daris Jose)
-
Isang malaking tagumpay ang ‘Miss Manila 2023’: Pambato ng Malate na si GABRIELLE, nasungkit ang korona
ISANG malaking tagumpay ang ginanap na Miss Manila 2023 nitong June 23, Biyernes ng gabi, sa The Metropolitan Theater sa Maynila. Ang mga hosts ng prestihiyosong beauty pageant ay sina Miss Universe 2018 Catriona Gray at Kapuso/Sparkle male artist Rayver Cruz. Ang mga bumuo naman sa panel of judges ay sina Crystal Jacinto […]
-
Ravena nag-eensayo na kasama ng NeoPhoenix
MATAPOS ang maraming hadlang at problema, pormal nang nakasama sa ensayo ng San-En NeoPhoenix si Thirdy Ravena para sa paghahanda sa kanyang debut game sa Japan basketball league. Nagtapos na ang 14-day man- datory quarantine ng 23-year-old high-flyer mula nang dumating sa Japan noong October 15. Agad na nakisalamuha si Ravena sa kanyang […]
-
Pinay tennis sensation Alex Eala, bigo kaagad sa Australian Open tournament
Maagang nabigo sa tennis tournament si Alex Eala sa kanyang pro grand slam debut sa Australia Open. Ang Pinay tennis sensation na si Eala, ay nabigo ng kanyang kontra katunggali na si Misako Doi ng Japan sa qualifying match na tumagal ng 2 oras at 37 minuto. Sa pagkapanalo ng Japan, makakaharap ni […]