Supply agreement para sa 30 milyong doses ng bakuna laban sa Covid-19, nilagdaan ng Pinas
- Published on March 11, 2021
- by @peoplesbalita
NILAGDAAN kahapon, Marso 10 ng Pilipinas ang supply agreement sa Novavax para sa 30 milyong doses ng bakuna nito.
“Nilagdaan na ang supply agreement with Novavax. Thirty million po yan,” ang anunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque.
Kamakailan ay sinabi ni Vaccine czar Carlito Galvez, Jr. na pupunta siya sa India upang pirmahan ang isang supply agreement para sa Covid-19 vaccines na ginawa ng US biotech firm na Novavax.
Unang sinabi ng mga opisyal na makakukuha ang Pilipinas ng 30 milyong doses ng Novavax vaccine na manufactured ng Serum Institute of India (SII) sa Hulyo 2021.
“Pagpunta po namin sa India this coming [March] 9 and 12, pipirma din po kami ng aming supply agreement,” ani Galvez
“Kaya nga pupunta tayo sa India, so that we can really negotiate na magkaroon tayo nang early delivery for humanitarian reasons,” dagdag pa ng opisyal na siya ring chief implementer ng National Task Force against Covid-19.
Sa pagbiyahe nito sa India, binanggit din ni Galvez na ita-target niya ang isang supply agreement sa SII.
Aniya, “Baka magkakaroon po kami ng other supply agreement para naman doon sa AstraZeneca at saka Covishield na bibilin ng gobyerno doon sa Serum Institute of India.”
-
PGH, handa nang tumanggap ng kahit na anong brand ng Covid- 19 vaccine
HANDA ang Philippine General Hospital (PGH) na tumanggap ng kahit na anumang brand ng coronavirus vaccine. “Kung anuman ang unang bakunang darating ay tatanggapin namin at ang aming batayan sa pagtatanggap nito ay ang EUA (Emergency Use Authorization) na ibibigay ng ating FDA (Food and Drug Administration),” ayon kay PGH director Dr. Gerardo Legaspi. […]
-
1K trabaho, alok ng BuCor
KASABAY ng ika-117 anibersaryo ng Bureau of Corrections (BuCor) ngayong Lunes, magsasagawa rin ng job fair para sa 1,000 bakanteng puwesto. Sinabi ni BuCor officer-in-charge Gregorio Catapang Jr., na may 1,000 bakanteng trabaho ang nakahanda na sa bureau para sa ‘new blood’ sa organisasyon na magsisilbing ‘nucleus’ ng ahensiya. Inaanyayahan ang […]
-
Patay na si Efren ‘Bata’ Reyes, ‘fake news’
Nag-react ang pamilya ng Pinoy billiard champion na si Efren “Bata” Reyes sa mga lumabas sa social media na pumanaw na ito kamakailan. Ayon sa anak ni Bata na si Chelo Reyes, “fake news” umano ang naturang impormasyon dahil maayos ang kalagayan ng kanyang ama. Bilang patunay, nag-post pa ito ng video, kung […]