• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Supply ng oxygen sa Metro Manila sapat

Sapat pa umano ang oxygen supply sa Metro manila sa kabila ng pagdami ng kaso ng COVID-19 na pinaniniwalaang dahil na sa Delta variant.

 

 

“Kahit itong huling ECQ (enhanced community quarantine) marami namang dumating na oxygen tanks hanggang ngayong araw na ito hindi naman tayo nagkakaroon ng shortage pagda­ting sa tangke dito sa NCR,” ayon ito  kay Adrien Alon-Alon, may-ari ng Caremart Medical Supplies sa isang panayam sa DZMM.

 

 

Idinagdag pa nito na bagama’t mataas ang pangangailangan dahil na rin sa COVID surge sa rehiyon ay hindi pa rin sila nagtataas ng presyo.

 

 

Kasabay naman nito na hiniling niya sa may kahalintulad niyang negosyo na huwag samantalahin ang sitwasyon para itaas ang presyo.

 

 

Gumagawa na rin sila ng paraan para  matiyak na hindi magkakaroon ng kakulangan sa cylinders ng oxygen. (Daris Jose)

Other News
  • Krizziah Tabora-Macatula 9th place sa 16th Asian Tenpin Championship

    TANGING ang World Cup champion na si Krizziah Tabora-Macatula ang pinakamahusay na Pilipino sa ginaganap na 16th Asian Tenpin Bowling Championships sa Hong Kong matapos walang nakarating sa podium.   Si Tabora-Macatula, ang 2017 World Cup champion, ay tumapos sa pang-siyam na pwesto na may 1,401 pinfalls sa women’s singles events.   Nagkasya lang si […]

  • ‘Maria Clara at Ibarra’, finalist sa entertainment category ng 2023 New York Festivals TV & Film Awards

    MUKHANG magiging busy year ang 2023 para kay Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.       Bukod kasi sa pagiging host ng two top-rating shows sa GMA Network, ang daily game show na“Family Feud” at ang informative show na “Amazing Earth” every Saturday  balitang inihahanda na rin ng GMA Public Affairs’ film, ang “Fireply,”     […]

  • Ipatupad ang 24/7 shipment process

    INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Bureau of Customs (BOC) at Department of Agriculture (DA) na ipatupad ang 24/7 na deployment ng mga team para masiguro na walang itigil ang shipment process sa buong bansa.     Sa pagsasalita sa ika-apat na pagpupulong ng Private Sector Advisory Council (PSAC) – Infrastructure Sector Group, […]