Surfing champion ng El Salvador patay matapos tamaan ng kidlat
- Published on March 25, 2021
- by @peoplesbalita
Patay matapos tamaan ng kidlat ang 22-anyos na surfing champion ng El Salvador na si Katherine Diaz.
Ayon sa surfing federation ng El Salvador, nasa gitna ng El Tunco ang 22-anyos na surfing champion ng tamaan ng kidlat
Hindi na naagapan ang buhay ng biktima ng ito ay dalhin sa pagamutan.
Kuwento ng kaniyang tiyuhin na si Beto Diaz, na tumilapon din ito matapos ang pagtama ng nasabing kidlat.
Nagsasanay kasi ang 22-anyos na si Diaz para sa 2021 Surf City El Salvador World Surfing Games na gaganapin mula Mayo 29 hanggang Hunyo 7 sa La Bocana at El Sunzal.
Ang sinumang manalo sa torneo ay pasok na sa Tokyo Olympics.
Naging pambato na si Diaz ng kaniyang bansa sa ISA World Surfing Games at ISA World Junior Surfing Championship.
Bumuhos naman ang pakikiramay ng ilang mga surfing champion sa iba’t-ibang bansa ng malaman ang nangyari kay Diaz.
-
San Miguel Beer liyamado sa 46th PBA Philippine Cup 2021 – Cone
SINIWALAT kamakalawa ni Earl Timothy ‘Tim’ Cone na tuloy na ang pagbabalik-laro para sa Barangay Ginebra San Miguel ni Gregory William ‘Greg’ Slaughter sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 Philippine Cup. Gayunman, hinirit ng BGSM coach, na ang San Miguel Beer ang patok sa pagbabalik mula sa injuries nina six-time MVP June […]
-
Mayroong PBA Special Draft muli sa Marso 14 – Marcial
MULING pinagbigyan ng Philippine Basketball Association ang Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. (SBPI) na magsagawa ng Special Draft para sa Gilas Pilipinas sa Online 36th PBA Rookie Draft 2021 sa darating na Marso 14. Pero aaralin pa ng national sport association o national governing sport body (SBPI) ang mga bubunitin sa special draft […]
-
COMELEC, MAGSASAGAWA NG EN BANC MEETING
MAGKAKAROON ng en banc meeting ang Commission on Election (Comelec) sa Feb.9 . Sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez magsisilbing isang organizing meeting para sa bagong commission en ban na ito at sa bagong listahan ng mga komite. “That’s where they will discuss the compositions of the divisions siguro magkakaroon ng […]