• April 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SUSPEK TODAS SA GULPI NG GRUPO NG BYSTANDER SA CALOOCAN

PATAY ang isang hindi pa kilalang lalaki na bumaril sa isang tricycle driver matapos pagtulungan kuyugin ng grupo ng bystander sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Sa ulat ni PCpl Mark Julius Pajaron kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, habang naglalaro ng table pool games sa P. Halili Street, Barangay 128 ang biktimang si Lester Tenedero, tricycle driver at residente sa lugar dakong alas-8:40 ng gabi nang biglang lapitan ng suspek na nakasuot ng grey t-shirt, grey short at belt bag color lime na armado ng cal. 45 pistol saka binaril siya ulo.

 

 

Matapos ang insidente, tinangkang tumakas ng suspek sakay ng isang motorsiklo subalit, nagawa siyang mahawakan ng grupo ng bystander at pinagtulungan gulpihin na nagresulta ng kanyang kamatayan.

 

 

Isinugod naman ang biktima ng kanyang kapatid na si Leslie Tenedero sa Caloocan City Medical Center kung saan ito sumailalim sa surgical operation sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo.

 

 

Narekober ng pulisya sa crime scene ang isang Yamaha NMAX na kulay black gray for registration, dalawang .45 caliber pistols na walang serial number at tatlong magazines na kargado ng mga bala. (Richard Mesa)

Other News
  • IMMUNIZATION PROGRAM NG DOH KONTRA TIGDAS, IN-EXTEND HANGGANG MARSO 7

    UPANG maabot ang target na population na 95%, pinalawig pa ng hanggang Marso 7 ang immunization program ng  Department of Health (DOH) laban sa sakit na rubella, tigdas at oral polio vaccine  Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA).   Inulat ng DOH na hanggang noong March 1, 2020, 83.7% o 4,269,423 ang nabakunahan laban sa tigdas […]

  • 13th month sa government contractual workers, inihirit sa Senado

    ISINULONG sa Senado ang panukalang bigyan ng 13th month pay ang mga contractual workers ng gobyerno.     Sa Senate Bill 1621 na inihain ni Sen. Ramon Bong Revilla Jr. sinabi nito na nararapat ding makatanggap ng 13th month pay kahit mga contractuals at job orders sa gobyerno.     “Nalalapit na ang Pasko pero […]

  • PDu30, kailangan din na maging malaya na magdesisyon ukol sa community quarantine classifications

    KAILANGAN ding bigyan ng kalayaan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magdesisyon hinggil sa community quarantine classifications na ipatutupad sa iba’t ibang lugar sa bansa nang walang pressure mula sa publiko.   Muling inulit ni Presidential spokesperson Harry Roque ang kanyang apela sa OCTA research group na panatilihing pribado ang kanilang quarantine recommendations.   “It […]