Suspensyon ng mga major sports events, pinaboran sa Kamara
- Published on February 17, 2020
- by @peoplesbalita
SUPORTADO ng chairman ng House Committee on Youth and Sports Development ang desisyon na pansamantalang suspindihin ang ilang sports events kabilang na ang pagho-host ng Pilipinas sa 10th ASEAN Para Games (APG).
Ayon kay Valenzuela City Rep. Eric Martinez, ito ay bilang pagtugon na rin sa naging advisory ng Department of Health (DOH) kaugnay sa pangamba sa coronavirus disease o Covid-19.
Kaugnay nito, inirekomenda naman ni Martinez sa Philippine Sports Commission (PSC), na siyang mangangasiwa sa naturang international sports event na gawing main venue ang kaaayos na Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa biannual multi-sport event para sa mga athletes with physical disabilities.
“Originally, as what Mr. Michael Barredo, the president of the Philippine Paralympic Committee (PPC), said during our last committee hearing, they will have New Clark City (NCC) Athletics Stadium in Capas, Tarlac as its main venue while there will be other sports events to be done in Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) for 10th ASEAN Para Games. But since the NCC, particularly the Athlete’s Village is now being use by our government as a quarantine facility, I believe that it would be best for the PSC and the PPC as well, to transfer their venue to RMSC,” anang mambabatas.
Dagdag pa ni Martinez na sa kabila na may mga ginagawa pang renovations sa ilang pasilidad ng RMSC, ay kumpiyansa siyang matatapos ito sa takdang pagbubukas ng 10th Para Games sa rescheduled date sa Mayo.
Suportado rin nito ang pahayag ng Philippine Basketball Association (PBA) na ilipat ang season opening kasama na ang 10th season’s staging ng D-League bilang “as a safety measure following the report of Covid-19 cases in the country.” (Ara Romero)
-
Ravena, ‘Pinas olats sa NZ
NAWALANG saysay ang tikas nina Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III at Dwight Ramos nang tambakan ang Gilas Pilipinas ng New Zealand Tall Blacks, 88-63, sa 2023 International Basketball Federation World Cup Asian Qualifiers sa Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City Linggo ng gabi. Lumamang lang ang host Philippine quintet sa 5-4 sa opening period, […]
-
Miami Heat nakuha ang Game 1 sa pagsisimula ng NBA semifinals vs Phildelphia Sixers
NAKUHA ng Miami Heat ang unang panalo sa Game 1 matapos na itumba ang Philadelphia Sixers sa score na 106-92 sa simula ng Eastern Conference semifinal series. Nanguna sa diskarte ng Miami si Tyler Herro na kumamada ng 25 points at si Bam Adebayo na nagtala ng 24 points at 12 rebounds. […]
-
Binigyan ng second chance pero walang pagbabago: JENNICA, tuloy ang pag-file para ma-annul ang kasal nila ni ALWYN
TULOY na ang pag-file ni Jennica Garcia para ma-annul ang kasal nila ng kanyang estranged husband na si Alwyn Uytingco. Mas makabubuti raw ang annulment para tuluyan na silang maging malaya sa isa’t isa dahil wala na raw talagang balikan na maasahan sa kanilang dalawa. Binigyan daw ni Jennica […]