• April 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SWS: Pinoy na nakaranas ng gutom lumobo sa 27.2%

Muling tumaas ang hunger rate ngayong buwan mula nang ipatupad ang lockdown noong taong 2020.

Base sa Social Weather Stations (SWS) survey na ginawa noong March 15-20, may 27.2 percent ng respondents ang nagsabing sila ay dumanas ng involuntary hunger o pagkagutom at walang makain.

Mas mataas ito sa 21.2% noong Pebrero o halos nadoble kung ikukumpara sa 15.9% noong Enero.

Mas mataas din ito sa 20.2% average noong 2024 habang ito na ang pinakamataas mula sa 30.7% COVID-19 pandemic noong September 2020.

Ayon sa survey, 21% ng respondents ang nagsabing dumanas sila ng moderate hunger mula 15.8% noong Pebrero at  6.2% naman ang dumanas ng severe hunger mula 5.3%.

Ang moderate ­hunger ay yaong mga taong dumaranas ng minsang pagkagutom sa nagdaang tatlong buwan samantalang ang severe hunger ay mga yaong laging dumaranas ng gutom.

Ang involuntary hunger ay tumaas sa Visayas, 33.7%; Metro Manila, 28.3%; Minda­nao, 27.3% at Luzon, 24%.

Other News
  • Valenzuela namahagi ng cash subsidy at groceries sa mga Solo Parents

    BILANG bahagi ng paggunita ng Solo Parents’ Day, namahagi ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ng cash subsidy, grocery gift certificates at nego-cart sa mga kwalipikadong solo parents na ginanap sa People’s Park Amphitheatre at WES Arena.     Nasa 4,583 rehistradong solo parents ang pinarangalan at kinilala sa kanilang katatagan sa pagpapalaki ng kanilang sariling […]

  • GSIS, ikinasa na ang no-down-payment housing program

    INILUNSAD na ng state-owned Government Service Insurance System (GSIS) ang bagong housing program na pinasadya para sa mga empleyado ng gobyerno na nagtatampok sa ‘zero down payment.’ Sa katunayan, inanunsyo ni Wick Veloso, GSIS president at general manager, araw ng Lunes, Hulyo 15, ang paglulunsad ng bagong programa, nagbibigay-daan sa mga ‘borrowers’ na pumili mula […]

  • ‘Di naging hadlang ang edad para matutunan ang sport: GIL, naging abala sa jiu-jitsu at nanalo ng first gold medal

    MARUNONG na raw si Lianne Valentin na ibalanse ang kanyang trabaho at personal na buhay.     Kailangan daw niyang matutunan ito dahil tumatayo siyang breadwinner ng kanilang pamilya.     At dahil sa pagsusumikap niya, nakapagpundar na siya ng sarili niyang sasakyan at nakabili na siya ng bagong bahay para sa pamilya niya.   […]