• April 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Taas singil sa NLEX umanggal na ang mga motorista

NARAMDAMAN na ng mga motorista ang taas-singil sa toll sa North Luzon Expressway (NLEX) na sinimulan noong March 2.

 

Ang mga motoristang gagamit ng NLEX ay kailangan magbayad ng karagdagang P5.00 sa open system at P.72 kada kilometro sa closed system na pinayagan ng Toll Regulatory Board (TRB).

 

Ang nasabing taas-singil ay isang consolidated na amount base sa unang tranche ng pinayagang period adjustments ng NLEX noon pang nakaraang 2023.

 

“The adjustments were initially divided into two tranches to ease impact on expressway users. The completion also of new Candaba 3rd Viaduct in late 2024 entails an add-on toll as well,” wika ng TRB.

 

Sa ngayon, ayon sa TRB ay ang mga motorista ay nakakaranas ng isang ligtas at komportableng paglalakbay sa bagong Candaba 3rd Viaduct na isang importanteng link sa pagitan ng Metro Manila, Central, at Northern Luzon na hindi nagbabayad ang isang motorista ng karagdagang toll simula pa ng buksan ito noong August 2024 at nagging fully operational ng nakaraang taon.

 

Ang mga sumusunod na toll fee matrix sa open system: P5 para sa Class 1 sasakyan; P13 sa Class 2 na sasakyan; at P15 naman sa Class 3 na sasakyan. Magbabayad naman ng karagdagang toll fee ang maglalakbay ng end-to-end sa pagitan ng Metro Manila at Mabalacat City: P57 sa Class 1 na sasakyan; P142 sa Class 2 sasakyan; at P171 sa Class 3 na sasakyan.

 

Dahil dito isang grupo ng mga truckers mula sa Central Luzon ang nanawagang suspendihin muna ang toll hike sa NLEX.

 

Sinabi ng grupo na walang nangyaring kunsultasyon sa publiko tungkol sa ginawang taas-singil na ayon sa kanila ay maaaring makaapekto sa presyo ng mga produktong agrikultural at hilaw na materyales mula sa Central Luzon tulad ng gulay.

 

Depensa naman ng TRB na ang taas-singil ay sumailalim sa isang masinsinang pagrerepaso ng petisyon at sinabi naman ng NLEX operator na sila ay committed na patuloy na pagandahin ang serbisyo at sistema sa NLEX.

 

“NLEX Corp. will make motorists feel that the service they receive is worth the toll fees they pay while TRB was allowed the increase as part of a contractual obligation to giver our operators investor to recoup their investment,” wika ni TRB spokesperson Julius Corpus.

 

Dagdag ni Corpus na lahat ng petisyon sa toll hike ay nalathala sa pangunahing diario at wala naman naghain ng oposisyon sa nasabing toll hike. Ang susunod na petisyon sa toll hike na gagawin sa susunod na taon ay sasailalim rin sa isang pag-aaral.

 

Sinabi naman ng NLEX Corp. na kinakailangan din na magkaroon ng pagtaas ng toll rates dahil kakailanganin din yon pangtustos sa pinagpapagawa kasama ang maintenance.

 

“We maintained that the toll increase is much needed for improving its services and operations,” saad ng NLEX. LASACMAR

Other News
  • Opening ng WNBL, NBL pag-aaralan pa – Mercado

    IPINASYA ng Women’s National Basketball League (WNBL) at National Basketball League (NBL) na ipagpaliban muna ang planong 2021 season opening pagkatapos ng Holy Week.     Sa pahayag ng dalawang liga nitong isang araw lang, ipapalabas na lang ang bagong petsa  sa pagbubukas nito para na rin sa kaligtasan mula ng lahat sanhi nang pagtaas […]

  • Matapos ang pananalasa ng bagyong Carina at Habagat… US nag-alok ng tulong sa PH para sa pagbangon ng bansa

    NAG-ALOK ng tulong ang Amerika para sa pagbangon ng bansa matapos ang pananalasa ng Bagyong Carina at Habagat.           Ginawa ang pahayag sa pagbisita ngayong araw nina US Secretary of state Anthony Blinken at US Defense Secretary Lloyd Austin sa bansa kung saan personal na iparating kay Pangulong Ferdinand Marcos jr […]

  • P2.8B, ipinalabas ng DBM para sa pagkuha ng firetrucks, emergency vehicle ng BFP

    IPINALABAS ng Department of Budget and Management (DBM) ang kabuuang P2.880 billion para sa Bureau of Fire Protection (BFP) para pambili ng 300 firetrucks at emergency vehicles na naaayon sa nagpapatuloy sa ‘modernization efforts’ nito. Inaprubahan ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang pagpapalabas sa Special Allotment Release Order (SARO) para sa pagpopondo noong Mayo 10, […]