Tag-ulan dineklara na ng PAGASA
- Published on June 4, 2025
- by @peoplesbalita

“Na-meet na yung criteria namin kaya officially declared na ang rainy season,” pahayag ni Ana Solis, hepe ng Climate Monitoring and Prediction Section ng PAGASA.
Base sa latest weather analysis at rainfall data mula sa selected DOST-PAGASA stations, ang pagkakaroon ng malawakang kalat-kalat na pag-ulan na naobserbahan sa nakaraang limang araw dulot nang habagat ang batayan nang pagsisimula ng rainy season sa bansa.
“This signifies the onset of the rainy season across the western sections of Luzon and Visayas. However, there may still be breaks in the rainfall that extend over a few days or weeks, referred to as monsoon breaks,” ayon sa weather bureau.
Patuloy namang pinaalalahanan ang publiko na mag-ingat at maging handa sa anumang epekto ng pag-ulan, habagat at iba pang weather disturbance.