Tahimik rin sa kinasasangkutang isyu ng karelasyon; SUNSHINE, ayaw nang patulan ang ‘fake news’ na hiwalay na sila ni ATONG
- Published on July 5, 2025
- by @peoplesbalita

Wala naman kasing dapat ipaliwanag si Sunshine dahil hindi naman siya sangkot sa isyu, huh!
Ang latest nga ay nagsampa na ng reklamo si Mr. Atong Ang laban sa isang Alyas Totoy na nagparatang sa kanya at sa aktres na si Gretchen Barretto na sangkot daw sa kontrobersiyal na kaso ng 34 nawawalang sabungero.
Bilang malapit sa aktres ay hiningan namin ng komento si Sunshine hinggil dito.
Pero kagaya ng dati ay ayaw magbigay ng kahit anumang statement ang premyadong aktres.
Tungkol naman sa isyung hiwalay na raw sila ni AA ay wala ring direktang sagot si Sunshine, na halata namang fake news.
Hindi na nga naman sila mga bata na pag uusapan pa ang lovelife nila.
48 years old na si Shine at 66 years old na si AA and one more thing hindi showbiz ang huli kaya hindi na dapat gawing isyu ang mga bagay na yun.
Sa kabila ng mainit na isyu ay nanatiling tahimik si Sunshine bukod sa pagre-repost niya ng naturang fake news.
Mababasa ang caption ni Shine sa kanyang FB post, “Sharing misinformation is not advisable especially if the news comes from a questionable site.
“Be vigilant family and friends.”
Well, sa pagkakilala namin kay Sunshine ay hindi siya ang tipong nang-iiwan sa isang mahal sa buhay sa anumang laban nito.
As long as mahal siya ng tao ay mamahalin din niya ito sa abot ng kanyang makakaya.
***
VERY much happy ang kapwa namin laking Cebu na si Debbie Lopez sa kanyang post birthday celebration.
Isinabay na rin ang launching ng kanyang Visayan song “Ang Higugmaon Ka” na may more than 16 million views na YouTube at sa Spotify.
Very timely naman dahil matagal ng crush ni Debbie ang magaling na aktor na si JM de Guzman na we all knew na meron ng karelasyon ngayon.
Teary-eyed na lang si Debbie ng iparinig sa kanya ang recorded na pagbati ni JM para sa kanyang kaarawan.
Wala pa namang chance na ma-meet in person ni Debbie ang ultimate crush niyang si JM. Pero sa ngayon mukhang iiwasan muna niya ang aktor dahil nga may kasintahan ito
Samantala given a chance ay handa na rin naman si Debbie na pasukin ang mundo ng showbiz. Nag-workshop na rin siya under Ogie Diaz at handa rin naman daw ang kilalang DJ at cosplayer na magpa-manage kay Ogie.
Well, wish namin kay Debbie na sana matupad ang pangarap niyang ma-penetrate ang music industry at maging isang kilalang singer at isang aktres.
(JIMI C. ESCALA)