• May 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Takbuhan sa mga kalsada malabo pang makabalik

Extended pa ang General Community Quarantine (GCQ) classification sa National Capital Region (NCR) Plus kasama ang Laguna at Cavite sa ilalim ng  ‘heightened restrictions’ hanggang Hulyo 15.

 

 

Base iyan sa huling pahayag ng Malacañang Palace.

 

 

Nangangahulugan din itong malabo pa rin talagang makabalik ang road racing o mga patakbo sa mga lansangan sa mga nasabing lugar sa bansa, lalo na sa mga nabanggit na lugar.

 

 

Pananaw rin ito ng kaibigan kong si Severino ‘Ben’ Alacar ng Without Limits, organizer ng running at cycling sa loob at labas NCR.

 

 

Maging ng ilan pang opisyal ng running community sa Metro Manila.

 

 

Mabuti naman at makakabalik na ang 46th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2021 sa Biyernes sa Ynares Sports Arena sa Pasig at ang Premier Volleyball League sa Sabado sa Ilocos Norte.

 

 

Kaya kagaya ng kapwa ko marathoners/runners, tiyaga-tiyaga na lang muna ako sa ehersisyo sa backyard at jog-run sa aming Barangay para maging malusog pa rin at makaiwas COVID-19.

 

 

Nakasawa rin ang ganitong routine, pero kung may disiplina tayo, sipag at tiyaga makakaya natin. Kahit 2-3 a week puwede para lang mapanatili ang ating sigla at makaiwas sa pagtaba.

 

 

Patuloy lang din tayong manalangin sa Itaas at maging positibo sa buhay bawat araw. Pasasaan ba’t matatapos din ang pandemyang iyan. May awa ang Diyos. (REC)

Other News
  • Hindi nabayarang P59.6-billion hospital claims ng Philhealth, pinasisilip

    PINASISILIP  ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez sa Kamara ang hospital reimbursement claims na nagkakahalaga ng P59.6 billion na hindi nabayaran ng Philhealth. Nakapaloob ito sa inihain niyang Resolution No. 2173.   “These non-payments of claims have resulted in the partial closure of some medical services of hospitals, and in some cases the full […]

  • P6.2-T national budget iminungkahi para sa fiscal year 2025

    IMINUMUNGKAHI ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang P6.2 trillion national budget para sa fiscal year 2025. Mas malaki ito mula sa P5.768 trillion na budget ngayong taong 2024. Ayon kay National Economic Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan na target kasi mapalakas pa ng pamahalaan ang mga high impact infrastructure projects na siyang pakatutukan […]

  • Nasungkit na P206-million deal sa PCSO, fake news- PCO Sec. Ruiz

    GANITO ituring ni Presidential Communications Secretary Jay Ruiz ang paratang sa kanya na nakasungkit siya ng P206-million deal sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para sa page-ere ng lotto draws sa state-run IBC 13.   “Let me clarify that story. Actually, I did not want to dignify the story ‘no kasi it’s fake news. It’s fake […]