• February 8, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Take-off, landing at parking fees ng local carriers hinto muna

PANSAMANTALANG tatanggalin ng mga local carriers sa bansa ang take-off, landing at parking fees alinsunod na rin sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa malaking epekto ng 2019 coronavirus infectious disease (COVID-19) sa turismo ng Pilipinas.

 

Sa isang punong-balitaan, sinabi ni Manila International Airport Authority (MIAA) Gen. Manager Ed Monreal, ang hakbang na ito ay para makatulong sa industriya ng turismo at gastusin ng mga local carriers.

 

Layunin din umano nito na hikayatin ang mga turista na patuloy na mamasyal sa bansa sa kabila ng banta ng coronavirus.

 

Sisimulan ang suspensyon ng mga bayarin ng mga local carriers ngayong araw at maaaring magtagal hangga’t mainit pa ang usapin hinggil sa COVID-19.

 

Nilinaw din ni Monreal na deferement lamang ito na babayaran sa take off, landing at parking fee at hindi ito discount.
Base sa estimation ni Monreal, aabot ng halos P58-M ang binabayarang airport fees ng Ninoy Aquino International Airport. Kasama na rito ang landing, take off, parking at taxing fees.

 

Ayon naman kay Civil Aviation Authority of the Philippines Director General Jim Sydiongco na bumagsak sa 20-30% o 476,000 ang bilang ng mga pasaherong pumapasok sa bansa ngayong taon dahil sa coronavirus outbreak.

 

Nagsimula umano ito nang magpatupad ng travel ban ang Pilipinas para sa mga turistang manggagaling sa China, Hong Kong, Macau, at Cheongdo province sa South Korea.

 

Habang nagpatupad na rin ng travel restriction laban sa Pilipinas ang ilang bansa tulad ng Qatar, Kuwait, Saudi Arabia, Cook Islands, Israel at Palestine.

Other News
  • ALEX, pusunin lang pero hindi pa sila magkaka-baby ni Mikee

    SA pamamagitan ng kanyang IG post, muling nilinaw ni Alex Gonzaga na hindi pa sila magkaka-baby ni Mikee Morado.     Kitang-kita nga sa kanyang photos na hindi pa nga siya buntis, “This post is to show and inform you guys na I’m back to work and no po di pa ako buntis pusunin lang […]

  • ANG PAGSUOT NG FACE MASK SA PRIVATE CARS

    Maraming motorista ang nagtatanong Sa Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCS) kung ano ba ang polisiya sa pagsuot ng face mask sa private cars. May hinuhuli raw kahit mag-isa lang ang driver.     Naglabas ng MC 2020-2185 ang LTO noong May 12, 2020 – Guidelines in the Enforcement of Regulations issued by DOTr […]

  • Malakanyang, ibeberipika muna ang ulat na ginagawang “kubeta” ng mga barko ng China ang WPS

    “We need to verify first because that is just a report.”   Ito ang tugon ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa ulat na ginagawang kubeta o tapunan ng mga ‘human waste’ o dumi ng tao ng mga barko ng China ang West Philippine Sea.   Sinabi ni Sec.Roque na hindi maingat kundi kailangan na maging […]