Takot sa COVID-19: Panagbenga 2020, tuluyan nang kinansela
- Published on March 10, 2020
- by @peoplesbalita
TULUYAN nang kinansela ang Panagbenga flower festival sa siyudad ng Baguio sa gitna ng takot sa COVID-19, ayon sa anunsyo ni Mayor Benjamin Magalong kahapon (Lunes).
Ani Magalong, ito ang nagpadesisyunan ng Baguio City Interagency Task Force on COVID-19, kasunod ng rekomendasyon na ginawa ng Baguio Flower Festival Foundation Inc. Suspendido na rin ang lahat ng operasyon ng night market nito na epektibo ngayong araw (Marso 10) hanggang sa susunod na 14 araw.
Kakanselahin na rin ang lahat ng pagtitipong bahagi ng taunang selebrasyon kabilang ang Grand Street Parade na naka-reschedule sa Marso 28, Grand Float Parade sa Marso 29, at Session Road in Bloom na nakatakda mula Marso 30 hanggang Abril 5.
Inisyal na naka-iskedyul ang opening parade nito noong Pebrero 1, ngunit ipinagpaliban ito ng mga lokal na opisyal bilang precautionary measure.
Sinabi naman ni Department of Health Regional Director Amelita Pangilinan na inilagay na sa “code red” ang bansa matapos kumpirmahin ng mga awtoridad ang local transmissions sa Metro Manila. Nakapagtala ng apat na kaso ang Pilipinas nitong Linggo ng gabi, dalawa sa mga ito ang walang travel history sa labas ng bansa.
Nananatili pa ring ‘COVID-19-free’ ang rehiyon hanggang kahapon (Lunes).
Sinuspinde na rin ang Cordillera Administrative Region Athletic Association Meet na orihinal na naka-iskedyul mula Pebrero 1 hanggang 23, ayon kay Magalong.
Samantala, ititigil muna sa ngayon ang pagsasara ng Session Road para sa mga art events at cultural gatherings.
-
Gilas Pilipinas tututok na sa FIBA Asia Cup
SESENTRO na ang atensiyon ng Gilas Pilipinas sa kampanya nito sa FIBA Asia Cup na aarangkada sa Hulyo 12 hanggang 24 sa Jakarta, Indonesia. Magarbong tinapos ng Pinoy squad ang third window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers na ginanap sa Mall of Asia Arena sa Pasay City kung saan pinataob nito […]
-
GSIS, mag-aalok ng emergency loan para sa mga biktima ng bagyong ‘Florita’
SINABI ng Government Service Insurance System (GSIS) na ia- activate nito ang kanilang emergency loan program para sa mga miyembro at pensioners na matinding tinamaan ng tropical storm “Florita.” Kadalasan na iniaalok ng GSIS ang emergency loans sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity. “GSIS members who have […]
-
RESIDENTE SA NAUJAN,ORIENTAL MINDORO, PINAPALIKAS NG DOH
PINAPALIKAS ng Department of Health (DOH) ang mga residente sa Naujan Oriental Mindoro at iba pang lugar na apektado ng oil spill. Ito ang sinabi ni Health Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire sa kanyang pagbisita nitong Linggo sa nasabing probinsya upang tignan ang sitwasyon ng mga apektadong residente matapos lumubog ang motor tanker (MT) […]