• September 28, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TALAMAK NG DROGA, PUGAD SA PROSTI

SA bansang may sariling gobyerno at sinusunod na batas, lahat ay pantay-pantay.

 

Hindi sinusukat ang yaman o posisyon sa lipunan. Higit sa lahat, walang kinikilalang lahi, basta nakatapak sa teritoryo, obligadong sumunod sa batas at kung may nilabag man ay dapat managot.

 

Ang tanong, ito ba talaga ang nangyayari? ‘Yung mga bawal, bawal ba talaga? Silang mga pasaway, naparurusahan nga ba?

 

Bukod sa iligal na droga, isa sa mga pangunahin at paulit-ulit na problema ngayon ng bansa ay ang prostitusyon. Nadadalas ang pagkakatuklas sa mga hotel, bar pati SPA na ginagamit bilang sex den — at karamihan sa mga sangkot, ibang lahi, partikular ang mga Chinese.

 

Bagay na iniuugnay naman sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa dahil sila umano ang sinasabing parukyano ng mga ibinubugaw na sex workers.

 

Sa isyung ito, nabuking din ang tila espesyal na trato sa mga dayuhan kapalit umano ng pera. Sinasabing hiwalay na ipinoproseso ng Immigration officials sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang pagpasok ng mga Chinese — kabilang ang mga POGO worker.

 

Ito ba ang tamang proseso? Dumaraan ba sa legal ang pagpasok ng mga dayuhan? Hindi maitatangging sa ganitong senaryo nakalulusot ang human trafficking. Isa na sa kinahahantungan ay ang pagdagsa ng mga sex worker at paglaganap ng prostitusyon.

 

Kailangan nang kumilos ng pamahalan na ang mga kalaban ay nasa loob din ng gobyerno.

 

Halos wala itong ipinagkaiba sa ilegal na droga, ‘pag may “padulas”, walang kahirap-hirap na nakapapasok at winawasak ang ating bayan.

Other News
  • Panibagong taas-presyo ng sardinas at noodles, inalmahan ng Gabriela Partylist

    INALMAHAN ng Gabriela Partylist ang panibagong taas-presyo ng sardinas at instant noodles na inaprubahan ng Department of Trade and Industry (DTI) sa gitna ng lumalalang kagutuman at krisis.     Batay sa ulat, aprubado ang 3%- 6% na taas-presyo sa 67 na batayang bilihin at maaari pang umabot sa 10% ang taas-presyo batay sa iba […]

  • Sandiganbayan, ibinasura ang mosyon ng pamilya Marcos na bawiin ang mga ari-arian

    IBINASURA ng Sandiganbayan ang pakiusap ni dating First lady Imelda Marcos at ng kanyang anak na si Irene Marcos-Araneta na bawiin ang mga ari-arian na inagaw sa kanila sa kanilang na-dismiss na P200-bilyong civil forfeiture case.     Sa 40-pahinang resolusyon noong Enero 25, sinabi ng Fourth Division ng korte na ang mosyon ng dalawang […]

  • New Original Action Comedy “Medellín” Reveals Teaser Art and Trailer

    GET ready for an adrenaline-fueled adventure with Medellín, the latest action comedy film.      Prime Video has revealed the teaser art and the trailer for Medellín, the new action comedy film by Franck Gastambide (Pattaya, Taxi 5, Validé), starring Gastambide, Ramzy Bedia (La Tour Montparnasse Infernale), Anouar Toubali (Pattaya), Brahim Bouhlel (Validé), Raymond Cruz (Breaking Bad), and Essined Aponte (S.W.A.T.), with a special appearance by Mike Tyson (The Hangover).     […]