Taliwas sa naging pahayag ni Direk Darryl: MTRCB, nilinaw na ‘di pa nila nirerebyu ang ‘Pepsi Paloma’ dahil kulang pa sa requirements
- Published on January 31, 2025
- by Peoples Balita
SA Facebook post ng controversial director na si Darryl Yap, nagpasalamat ito sa mga husgado at sinabing ni-review na ang pelikulang ‘Pepsi Paloma’ ng MTRCB.
Ayon kay Direk Darryl, “Nagpasalamat na po ako sa husgado for protecting my rights of artistic expression and the public’s right to the truth.
“The teaser is just a micro-part of my movie. I have been allowed to release the whole movie. For that, i am deeply humbled and profoundly blessed
“Our film is now being reviewed by MTRCB.
“Thanks!”
Tungkol sa kanyang FB post, naglabas naman ng pahayag ang MTRCB tungkol sa pelikulang nabanggit, nilagdaan ito ni Atty. Paulino E. Cases, Jr. (MTRCB Vice Chairperson and Chairperson of the Hearing and Adjudication Committee)
Ayon sa pahayag…
“Taliwas sa maling pahayag, nilinaw ng MTRCB na ang pelikulang Pepsi Paloma ay HINDI TOTOONG kasalukuyang nirerebyu dahil hindi pa kumpleto ang mga kinakailangang requirements na isinumite ng PinoyFlix.
“Binibigyan linaw ng Ahensiya na HINDI TINANGGAP ng MTRCB Registration Unit ang mga materyales na isinumite ng kinatawan ng Pinoyflix sapagkat hiningan ng MTRCB Legal Affairs Division ang nasabing distributor ng Sertipiko o Clearance na Walang Nakabinbing Kasong Kriminal mula sa Regional Trial Court, Sertipiko o Clearance na Walang Nakabinbing Kasong Sibil mula sa Department of Justice, at Sertipiko o Clearance na Walang Nakabinbing Kasong Administratibo mula sa Office of the City Prosecutor.
“Bilang parte ng standard review process ng Ahensiya, nakipag-ugnayan kahapon ang Legal Affairs Division sa distributor upang ipabatid ang mga kulang na requirements.
“Ginagawa ito ng MTRCB upang masiguro na ang lahat ng pelikula ay naaayon sa Presidential Decree No. 1986 at sa mga patakaran nito. Binubuo ang MTRCB ng 30 Board Members, isang Vice Chairperson, at isang Chairperson. Ang bawat aplikasyon ay dumaraan sa isang tatlong-miyembrong komite, at kapag kinakailangan, sa ikalawang pagsusuri na binubuo naman ng limang miyembro.
“Ang MTRCB ay naninindigan na hindi nito ipagsasantabi ang maling impormasyon at anumang paninirang maaaring makasira sa reputasyon at mandato nitong protektahan ang interes ng publiko. Ang anumang sadyang pagpapakalat ng maling impormasyon ay aaksyonan alinsunod sa batas.”
Sa latest FB post naman ng direktor, makikita ang letter mula sa MTRCB at mababasa ang caption niya na…
“Ang Kapalaran ng #TROPP #TROPP2025 The Rapists of #PepsiPaloma”
At sa comment section nilagay niya…
“Narito ang liham ng MTRCB sa aming distributor; nawa’y maipaliwanag ng mga may alam sa batas.
“Maraming Salamat.”
(ROHN ROMULO)
-
Kelot na most wanted sa rape, dinampot sa Valenzuela
ISANG 31-anyos na lalaki na listed bilang most wanted sa panggagahasa ang nasakote ng pulisya sa manhunt operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong akusado bilang si Ron Renee Candaza alyas “Enel”, 31 ng of No. 28 A. Lozada Street, Brgy. Palasan. […]
-
IKA-2 SWAB TESTING SA BUBBLE NEGATIBO MULI
MULING nagnegatibo lahat ang resulta sa huling swab tesing ng 12 teams na nasa 45 th Philippine Basketball Association (PBA) 2020 Philippine Cup eliminations bubble sa Angeles, Pampanga. Ang Clark Development Corporation (CDC) ang namahala sa second round tests para sa coronavirus disease na isinagawa sa nakaraang linggo. May 10 araw na ang […]
-
Isinugod sa ospital dahil sa pananakit ng tiyan: JULIE ANNE, nanghinayang na ‘di nakasama sa concert ni REGINE
Nanghinayang si Julie Anne San Jose na hindi siya nakasama sa concert ni Asia’s Songbird Regine Velasquez matapos siyang isugod sa ospital. Dinala si Julie sa ospital dahil sa matinding pananakit ng tiyan at migraine. Ayon sa Asia’s Unlimited Star, nakapag-ensayo na siya isang araw bago ang naturang concert ni Regine. Kaya naman […]