• May 16, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Talk to the People Address ni PDu30, pinagpaliban

KINUMPIRMA ng Malakanyang na walang magaganap na Talk to the People Address si Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Abril 7 bunsod ng tumataas na bilang ng aktibong COVID-19 cases kasama na rito ang mga tauhan ng presidential security group (PSG).

 

“The physical safety of the President remains our utmost concern,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

 

Bukod dito, kailangan din aniya na bigyan ng konsiderasyon ng Malakanyang ang kapakanan ng mga taong bahagi ng paghahanda ng Talk to the People Address ni Pangulong Duterte.

 

“In addition, the preparation for the Talk to the People Address entails a number of staff complement and we also take due consideration of their well-being. Please be guided accordingly,” ang pahayag ni Sec. Roque.

 

Sa kabilang dako, gustong makasiguro ng Malakanyang na hindi mako- kompromiso ang seguridad at kaligtasan ni Pangulong Duterte laban sa covid 19.

 

Sinabi ni Senador Christopher Lawrence Bong Go na nagpasyang ipagpaliban na muna ang talk to the people ng Chief Executive makaraang marami sa mga tauhan ng presidential security group ang nag positibo sa Covid -19.

 

Hindi naman masabi ni Go ang eksaktong bilang ng psg personnel na nagpositibo sa Covid -19.

 

Siniguro naman ni Go na wala sa mga PSG personnel  na ito ang nagkaroon ng direktang kontak sa Punong Ehekutibo.

 

Nais lamang aniya nilang makasiguro na wala munang magiging exposure ang Pangulo sa maraming PSG personnel.

 

Samantala, wala naman dapat na ipag alala ang publiko sa kalusugan ng Pangulo dahil  “all is well” aniya ito,  nasa mabuting kalagayan ang kalusugan at wala namang nararanasang anumang sintomas.

 

Sa katunayan ay nasa bahay lamang ang Pangulo sa Malakanyang  at hindi muna makauuwi sa Davao City dahil nasa nananatiling nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang NCR Plus.

Other News
  • 11th ASEAN Para Games gaganapin na sa Indonesia

    GAGANAPIN na sa Solo, Indonesia ang 11th ASEAN Para Games.     Kinumpirma ito ng ASEAN Para Sports Federation matapos maaprubahan ng kanilang Board of Governors.     Unang napili kasi ang Hanoi, Vietnam ang hosting ng nasabing torneo subalit sila ay umatras noong nakaraang taon dahil sa pangamba na COVID-19.     Huling ginanap […]

  • Derrick Pumaren out na sa De La Salle University Green Archers

    ISANG panibagong head coach ang nakatakdang magtimon sa grupo nina Evan Nelle, Mark Nonoy, Mike at Ben Philipps, Cyrus Austria at buong De La Salle University Green Archers men’s basketball team sa 86th season ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) tournament kasunod ng anunsyong hindi pagre-renew sa kontrata ni coach Derrick Pumaren ngayong […]

  • BAKUNA SA COVID-19 SA CAMANAVA, KASADO NA

    Tiniyak ng apat na alkalde ng CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela) sa kani-kanilang nasasakupan na magkakaroon na ng bakuna para sa Covid-19 na magagamit sa kanila simula sa ikalawang quarter ng taon.   Ito’y, matapos sabihin nina Mayors Oscar Malapitan (Caloocan), Antolin Oreta III (Malabon), Toby Tiangco (Navotas) at Rex Gatchalian (Valenzuela) na gumawa […]