• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tambalang Go-Duterte sa Eleksyon 2022, wala pa ring kasiguraduhan – Nograles

WALA pa ring kasiguraduhan ang tambalang Senador Christopher Lawrence “Bong” Go at Pangulong Rodrigo Duterte para sa 2022 national elections.

 

Sa isinagawang Pandesal Forum, sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na kapwa may “indefinite decision” sina Go at Pangulong Duterte sa naging panawagan sa kanila na tumakbo sa pagka-pangulo at bilang bise-presidente sa halalan sa susunod na taon.

 

Aniya, ang ruling party, Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban), ay “still concentrating” kung sino ang kanilag magiging pinal na presidential at vice presidential candidates sa susunod na taon.

 

“Hanggang ngayon, wala pang definite decision si Pangulo kung tatakbo pa siya and because of that, wala pang definite decision si Senator Bong Go kung tatakbo rin ba siya ,” ani Nograles.

 

Nauna rito, sina Go at Pangulong Duterte ang magiging standard-bearers ng Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa Eleksyon 2022.

 

Ito ang sinabi ni PDP-Laban’s Secretary General, Melvin Matibag na ang Go-Duterte tandem ay “logical and popular” choice para sa mga kaalyado ng administrasyon.

 

Sa isinagawang Balitaan sa Maynila forum, sinabi ni Matibag na may mga indikasyon na bukas si Pangulong Duterte na tumakbo bilang bise-presidente.

 

“Sana matuloy pagkat kung hindi ,wala kami nakikita na makakatawid ng laban sa 2022 kundi tambalan na Go-Duterte, kaya sana magkaroon ng positibong reaksyon si Pangulo at Sen. Go sa layunin ng PDP-Laban,” anito.

 

Sa kabilang dako, nakatakdang magdaos ng national convention ang PDP-Laban sa Bulacan sa darating na Setyembre 8.

 

Ayon kay Matibag, pupunan ng partido ang “full lineup” ng allied candidates kapwa sa national at local levels.

 

Ani Matibag, sinusubukan din nilang i-reach out ang paksyon nina Senador Aquilino “Koko” Pimentel III at Manny Pacquiao.

 

“Kung magkakaroon pa ng pagtatalo, ang Comelec ang siyang magreresolba,” dagdag na pahayag nito.

 

Hindi naman nakikita ni Matibag na magbibigay-daan si Go para kay Pacquiao na napaulat na tatakbo rin sa pagka-pangulo. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • 5 lugar sa NCR inilagay sa COVID-19 moderate risk

    TUMAAS  sa “moderate risk” ang klasipikasyon ng apat na lungsod sa National Capital Region kasama ang Pateros, ayon sa Department of Health (DOH).     Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ito ay batay sa dalawang linggong growth rate ng mga lungsod, average daily attack rate (ADAR), at kapasidad ng kanilang mga health […]

  • Mahigit 600,000 trike drivers, makatatanggap ng fuel subsidy

    MAY  kabuuang  617,806 na qualified recipients ang makatatanggap ng  fuel cash subsidies sa ilalim ng  “Pantawid Pasada Program for Tricycle Drivers”.     Layon nito na mapagaan ang ‘financial woes’ sa gitna ng mataas na presyo ng petroleum products simula pa noong huling bahagi ng nakaraang taon.     Ang paliwanag ni Department of the […]

  • 4 huli sa droga at sugal sa Valenzuela

    ARESTADO ang apat katao matapos maaktuhan nagsusugal at masita sa paglabag sa ordinansa kung saan dalawa sa kanila ang nakuhanan ng ilegal na droga sa Valenzuela City.     Sa report ni PCpl Pamela Joy Catalla kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., nakatanggap ng tawag sa telepono ang Police Sub-Station 4 hinggil sa […]