Tambalang Lacson-Sotto, welcome sa Malakanyang
- Published on July 16, 2021
- by @peoplesbalita
OKAY sa Malakanyang kung tuloy na nga ang tambalang Panfilo “Ping” Lacson at Vicente “Tito” Sotto III sa 2022 presidential election.
Sa katunayan, nagpaabot pa si Presidential Spokesperson Harry Roque ng pagbati sa nasabing tambalan.
“We wish them the very best because in a democracy, kinakailangan mayroong pagpipilian ang taumbayan,” ayon kay Sec. Roque.
Sa ulat, tuloy na tuloy na sa 2022 presidential election ang tambalang Lacson-Sotto.
Ito mismo ang kinumpirma ni Sen. Lacson kung saan tatakbo ito sa presidential post habang vice president post naman ang kay Senate President Sotto.
Ayon kay Lacson, nag-uusap na sila ni Sotto para isapinal ang pagtakbo sa national elections.
Sinabi ng senador na kahit mababa ang nakukuha nilang rating sa mga presidential bet survey ay hindi sila nagpapaapekto rito dahil magandang pagkakataon aniya ito para malaman at mapag-aralan ang kanilang gagawing istratehiya.
Aniya, isang seryosong usapin ang pagtakbo sa national position kaya dapat kalimutan na ng mga kandidato ang politics of entertainment. (Daris Jose)
-
Inaprubahan ng House justice panel ang panukalang batas na nagbibigay ng Filipino citizenship sa import ng Ginebra na si Brownlee
Inaprubahan ng House justice panel nitong Miyerkules ang panukalang nagbibigay ng Filipino citizenship sa American basketball player na si Justin Donta Brownlee na isang hakbang para maging kwalipikado siyang maglaro sa Gilas Pilipinas men’s basketball team. Nabuo ito matapos na magkaisang inaprubahan ng panel ang House Bill 825 na inakda ni Representative Mikee Romero […]
-
Nag-viral sa social media ang sexy photos: ENCHONG, pinatunayan na puwede pang pagpantasyahan kahit 33 na
MAS lalong sumarap sa paningin ng maraming beki si Enchong Dee dahil sa pag-viral sa social media ng bagong sexy photos niya para sa ini-endorse na underwear brand. Sa gitna nga ng kasong kinahaharap ng aktor na cyber libel kunsaan demanda siya for P1 billion, hindi nagpabaya si Enchong sa kanyang katawan. […]
-
Malakanyang, umaasang pagpasok pa lamang ng 2021 mayroon nang maaprubahang Covid-19 vaccine ang FDA-abroad
NANANALIG ang Malakanyang na pagpasok pa lamang ng buwan ng Enero ng susunod na taon, ay mayroon nang ma-aprubahang Covid19 vaccine ang food and drug administration sa ibang bansa makaraan ang third at final clinical trial. Ang pahayag na ito ni Presidential spokesperson Harry Roque ay kasunod ng naunang sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa […]