• May 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tanggapan ng Radio Veritas, isinailalim sa “pansamantalang lockdown”.

Tiniyak ng himpilan ng Radio Veritas 846-ang Radyo ng Simbahan na patuloy na mapakikinggan sa himpapawid at mapapanood sa pamamagitan ng video streaming at Veritas 846 Facebook page ang mga misa at mga programa ng himpilan.

 

 

Ito ay kaugnay sa ipatutupad na ‘pansamantalang lockdown’ o  pagsasarado ng Radio Veritas main studio na matatagpuan sa 162 West avenue corner Edsa Quezon City dulot na rin ng pagpositibo ng ilang kawani ng Covid-19 simula April 14.

 

 

Ang hakbang ay bilang pagtugon sa panuntunan ng Inter-Agency Task Force at bigyang daan ang isasagawang ‘disinfection’ ng buong gusali na bahagi ng pag-iingat ng higit pang pagkalat ng nakakahawang sakit.

 

 

Humingi rin ng pang-unawa at panalangin ang Radio Veritas sa mga Kapanalig dahil sa pansamantala pagsasara ng tanggapan kung saan hindi muna pinahihintulutan ang pagtanggap ng mga ‘walk in’  Kapanalig members at application, gayundin ang Truth Shop at mga hihingi ng tulong sa programang Caritas in Action.

 

 

Pansamantalang ginagamit ng Radyo Veritas ang transmitter sa Taliptip Bulacan, upang patuloy na makapaglingkod at mapakinggan ang mga inihandang mga programa.

 

 

Kabilang sa mapakikinggan ang mga banal misa, pagninilay ng mga pari at obispo gayundn ang mga gawain ng simbahan para sa pagdiriwang ng ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas.

 

 

Sa kasalukuyan ay sumasailalim sa swab testings at contact tracing ang Radio Veritas upang malaman ang kalagayan ng iba pang mga kawani kasabay na rin ng isasagawang paglilinis sa buong gusali upang matiyak ang kaligtasan ng lahat.

 

 

Para sa mga kapanalig na nais na magbigay ng kanilang ‘pledge’ at donasyon ay maari itong isagawa online na makikita sa veritas846.ph website.

 

 

Maglalabas ng karagdagang pahayag ang himpilan sa lalung madaling panahon.

Other News
  • Pinagluto na, nagbigay pa ng ayuda:  ALEX, pamilya na ang turing sa kanilang beloved construction workers

    SA isang episode ng vlog ni Alex Gonzaga titled “New House Update” na mapapanood sa kanyang Youtube channel na as of presstime ay mahigit 14 million na ang subscribers and still counting. Ipinagluto ng meryenda ni Alex ang mga construction worker na gumagawa ng mansyon nila ng mister na si Mikee Morada sa may bandang […]

  • Tripol-dobol ni Ayonayon nagpatalsik sa Skycrapers

    BUMIDA sina MiCHAEL Ayonayon at dating Philippine Basketball Association (PBA) John Wilson sa paghatid sa defending champion San Juan Knights sa national finals sa pagpapabagsak sa may limang player lang na Makati Super Crunch Skycrapers, 131-54, sa balik ng 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakan Cup 2019-20 North Division Finals nitong Miyerkoles ng gabi […]

  • 42 mambabatas, pinaiimbestigahan ang sunog sa MCPO

    NAIS ng nasa 42 mambabatas na imbestigahan ng kamara ang naganap na sunog sa Manila Central Post Office building na nagdulot ng matinding pagkasira sa nasabing istraktura.     Sa House Resolution 1019, sinabi ng mga mambabatas na miyembro ng Arts, Culture and Creative Industries Bloc (ACCIB) ng kamara, na kailangang ang pagsasagawa ng imbestigasyon […]