Tanim muna ng punongkahoy bago prangkisa
- Published on November 26, 2020
- by @peoplesbalita
May bagong requirement ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na inilabas kung saan ay kinakailangan munang magtanim ng punongkahoy ang kukuha o di kaya ay mag rerenew ng kanilang prangkisa.
Sa ilalim ng LTFRB Memorandum Circular 2020-076 na sisimulan sa Dec.1, ay kailangan magtanim ang aplikante ng isang (1) punongkahoy kada unit na kanilang irerehistro.
“The circular initially covers all applicants for the issuance of a new certificate of public convenience (CPC) with at least 10 units, as well as all corporations and cooperatives applying for the extension of their existing franchise,” ayon sa LTFRB.
Inaasahan na may humigit kumulang na 50,000 na punongkahoy ang maitatanim sa unang tatlong (3) buwan ng pagpapatupad ng nasabing LTFRB circular.
Sa huli, ang bagong polisia ay isasama na rin ang lahat ng aplikante na may minimum na sampung (10) units na may transactions sa LTFRB.
Ang mga operators ay kailangan magbibigay ng katibayan na sila ay sumunod sa pinauutos ng LTFRB kung saan sila ay magsusumite ng dokumento na may kasamang litrato ng punongkahoy na kanilang tinanim na magiging parte ng kanilang application.
Kinakailangan din na magkipag-usap sila sa local government unit (LGU) kung saan sila ay may opisina o di kaya ay sa concerned area ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa katibayan ng kanilang compliance.
Kung hindi nila magagawa ang nasabing requirement ay hindi tatangapin ng LTFRB ang kanilang application.
Sa kasalukuyan ay mayron na 170,000 na public utility jeepneys (PUJs), 26,000 utility van (UV) express unit, 25,000 public utility buses (PUBs) at 35,000 na transport network vehicle service (TNVS) ang may operasyon sa bansa.
Ayon sa LTFRB, ang sunod-sunod na natural disasters nitong taon ay tumawag sa pansin ng pamahalaan upang gumawa ng drastic measures at coordinated measure sa pagitan ng pamahalaan at ng pribadong sektor.
Ang LTFRB board ay nagsangayon na sila ang magsimula ng ganitong pagpupunyagi na magtanim ng punongkahoy upang gawing pre-condition sa pagbibigay ng prangkisa.
Noong nakaraang Linggo, si Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade matapos ang sunod-sunod na bagyo na siyang naging sanhi ng pagbaha ang siyang unang nagmungkahi nag gawing sapilitan ang pagtatanim ng punongkahoy sa pagkuha ng prangkisa, lisensiya at permits.
Ito ang magiging kontribusyon ng transport sector sa reforestation program ng pamahalaan. (LASACMAR)
-
27.6 milyong estudyante, balik-eskwela
MATAPOS ang dalawang taon, magbabalik-eskwelahan na ngayong Lunes ang mahigit 27.6 milyong mag-aaral sa bansa. Sa huling datos mula sa Learner Information System (LIS) para sa SY 2022-2023 na inilabas ng DepEd, nasa 27,691,191 na ang kabuuang bilang ng mga nagparehistro na mga mag-aaral. Katumbas ito ng 100.47% o higit sa […]
-
PBA, nagpadala na ng liham sa IATF para payagan ang team practices
Nagsumite na umano ng pormal na liham ang PBA sa Inter-Agency Task Force kaugnay sa posibilidad ng pagsasagawang muli ng mga team practices sa buwan ng Hulyo. Kaugnay pa rin ito sa ginagawang mga preparasyon ng liga para sa posibleng pag-usad muli ng 2020 season na pansamantalang sinuspinde dahil sa COVID-19 pandemic. Sa […]
-
Teng pinuno na ng Alaska
SA simula nang unang upo ni Jeffrey Cariaso bilang coach ng Alaska Milk, mababalasa rin ng tatahakin ang Aces. Mga bagong dugo na ang inaasahang ipangkakanaw ng gatas sa papasok na buwang 45th Philippine Basketball Association Philippine (PBA) Cup 2020. Bubuksan ang all-Pinoy Conference sa Marso 8 na si Jeron Teng na ang […]