• September 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TANSINGCO UMAASA NA MAISASABATAS ANG BAGONG IMMIGRATION LAW

UMAASA si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco na ang batas para pagbabago ng ahensiya ay tuluyan din maipapasa.

 

 

Ginawa ni Tansingco ang pahayag kasunod ng pagsuporta ng ilang mambabatas sa Kongreso na ipapasa nila ang natitirang priority bills.

 

 

Tinukoy ng BI ang Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) ang sinasabing proposed immigration modernization law na priority measure.

 

 

Umaasa si Tansingco na maaaprubahan sa ikatlong pagbasa kasunod ng State of the Nation Address ng Pangulo.

 

 

Sinasabing ang nasabing batas ang solusyon upang mabago ang 83-year-old na immigration law.

 

 

Bukod sa updates sa visa types at penalties, sinisiguro sa bagong batas ang augmentation sa suweldo ng mga empleyado lalo na sa mga mabababa ang suweldo at papayagan ang ahensiya na mag-recruit ng bagong graduate mula sa mga magagandang eskuwelahan na pumasok sa government service. GENE ADSUARA

Other News
  • Ads March 27, 2021

  • Bawat Pinoy, may utang nang P119,458

    HINIMOK ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang mga negosyong pag-aari ng estado o government owned and controlled corporations (GOCCs) na gawin ang kanilang bahagi sa pagpapagaan ng pasanin sa lumolobong utang ng gobyerno, na ang ‘servicing cost’ pa lamang ay katumbas na ng 30 porsyento ng P5.268 tril­yon ng panukalang badyet para […]

  • Thankful sa mga papuri na natatanggap ng teleserye nila ni Khalil: GABBI, ‘di nakalilimutan ang mga pangaral ng ama pagdating sa pakikipagrelasyon

    HINDING-HINDI raw nakalilimutan ni Gabbi Garcia ang mga advises ng kanyang ama pagdating sa pakikipagrelasyon.   Ayon sa bida ng GMA teleserye na Love You Stranger, pinahahalagahan niya ang mga pangaral sa kanya ng kanyang ama. Very close kasi si Gabbi sa kanyang ama kung kanino siya nagmana ng pagiging adventurous.   “Laging sinasabi ni […]